13.

173 11 2
                                    

"Kilos! Kilos! O, Magi! Na-miss mo 'yong isang target! Rem! Bobo mo na bumaril!"

Napuno ng ingay ang training grounds. Maingay pala itong si Ace. Akala ko tahimik lang. Grabe rin ang training namin ngayon. Para kaming nakikipag-barilan sa totoong tao kahit na wala namang baril itong mga targets namin. Ang pinagkaiba lang ng training ngayon sa naunang training ko ay gumagalaw na ang mga target namin. Minsan ay bigla na lang susulpot ang target sa kung saan kaya nagugulat kami.

"Nice! Ayusin niyo! Bukas na 'to!" sabi ulit ni Ace. "Goods na 'yan! Water break muna!"

"Mama, suko na 'ko!" Reklamo ni Mari.

"E 'di 'wag ka na lang sumama sa 'min bukas," nanghahamon na sabi ni Ace.

"Epal." Umirap si Mari.

Kumuha na lang kami ng tubig at uminom. Umupo muna kami sa bench.

"Hi!" Halos maibuga ko ang tubig sa gulat nang biglang sumulpot si Mors sa tabi ko. "Ay, sorry. Nagulat ka ba? Anyways, pinapatawag na kayo ni Hell kaya mag-bihis na kayo."

Tinanguan namin siya.

Sakto ang dating ni Mors. Kung hindi pa kasi kami pinatawag ni Hell, hindi pa rin kami hihinto kaka-training. Nakakapagod kaya. Sana naman pahinga na kami pagdating do'n sa hotel na tutuluyan namin malapit sa Mortessa.

Pumunta muna ako sa kwarto ko. Hindi ko kasama ang ibang members ng Bullet dahil sa ibang parte nitong mansyon ang kwarto nila.

Naglalakad ako sa hallway nang mapansin kong may tao sa tapat ng pintuan ko. Hindi ko alam pero parang may inaalis siya roon.

"Hoy!" Sita ko. Napatingin siya sa 'kin kaya nalaman kong si Hell pala iyon. "Anong ginagawa mo riyan?" tanong ko.

"I-Inaalis ko lang 'yong heart," sagot nito na mukhang gulat pa rin sa 'kin. "Ang dumi kasi tingnan."

"Hayaan mo na 'yan, diyan. 'Wag mo na alisin. Cute nga, e," sabi ko saka tinapik ang kamay niya para hindi niya na ituloy ang pag-tanggal ng heart doon. Nabura niya na nga iyong kalahati, e!

"Naumpisahan ko na, e. May natira pa ngang kalahati, oh!" Itinuro niya pa.

"May marker ka?" tanong ko.

"Basta! Mayro'n ba?"

"Ito."

"Pahiram!"

Kinuha ko ang marker mula sa kamay niya para i-draw ulit iyong heart na binura niya. Iyon na nga lang ang palatandaan ko sa hallway kung alin ba rito ang kwarto ko tapos buburahin niya pa.

"Gusto mo ba 'yang heart na 'yan?" tanong ni Hell habang nagd-draw ako ng heart.

Tumango ako. "Oo naman. Palatandaan ko kasi 'to na pintuan lang ng kwarto ko ang may black na heart." Humarap ako sa kaniya nang matapos ako mag-drawing para isauli ang marker niya. "Saka kung sino man ang nag-lagay niyan diyan, ang cute niya."

"'Di naman ako cute," pabulong na sabi nito. Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko sa kaniya.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Wala... Ang sabi ko, pumasok ka na sa kwarto mo para makapag-bihis ka na. Paalis na tayo, 'di ba?" Pagpapaalala nito.

"Oo nga pala," sabi ko saka binuksan ang pintuan ko. "Bihis muna ako. Hindi ka ba aalis diyan?" tanong ko sa kaniya. Nakatingin lang kasi siya sa 'kin at hindi umaalis sa puwesto niya kahit na nasa loob na ako ng kwarto.

"Ah, oo. A-Aalis na rin ako. Iche-check ko pa pala 'yong mga gamit ko," sabi niya saka bahagyang napaiwas ng tingin.

"Okay..." sabi ko habang dahan-dahang isinasara ang pinto. Awkward. Ang pangit naman kasi tingnan na sinarahan ko siya ng pintuan.

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now