34.

160 7 2
                                    

Magi's POV:

"Ah, Hell, 'yong- ay gago. Sorry pre! Wala akong nakita, promise!"

Napaatras agad ako at mabilis na isinara ang pintuan nang makitang may kahalikan si Hell sa kwarto niya no'ng pumasok ako. Gusto ko lang namang kuhain ang list ng mga misyon para makapili kami pero hindi ko naman inaasahang iyon pala ang madadatnan ko.

May bahagi ng puso kong kumirot dahil sa nakita ko. Pero hindi dapat ako masaktan, 'di ba? Dahil iyon din naman ang gusto kong mangyari. Gusto kong makahanap na siya ng iba para hindi niya na ako habulin. Dapat hindi masakit.

Who knows? Baka gusto na niyang makalimot sa 'kin kaya ginagamit niya ang ibang tao para kalimutan ako. Dapat maging masaya ako para sa kaniya. Isa pa, kasalanan ko rin naman. I broke her heart. Kaya wala akong karapatan masaktan.

"Uh, n-no! This one's just a hostage!" Dinig kong sabi niya mula sa loob bago ako nakarinig ng putok ng baril. "Come in!"

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Bulagta 'yong babaeng kahalikan niya kanina. Headshot sa ulo! Baka nga hostage niya. Karamihan naman kasi ng misyon niya, puro mahahalay.

I cleared my throat. "I-Iyong listahan daw ng missions," nahihiyang sabi ko. "Sorry sa istorbo."

"Okay lang, kalimutan mo na 'yong nakita mo." Binuksan niya ang drawer niya saka iniabot sa 'kin ang listahan.

"Thank you," sabi ko. Aalis din naman agad ako dahil ayo'kong mag-tagal dito.

"Magi!" Tawag niya sa 'kin kaya napalingon ulit ako. "Sorry," sabi niya saka ibinalik ulit ang tingin sa babaeng nakabulagta sa sahig para linisin iyon.

"Sasabihan ko si Rem na tulungan kang mag-linis niyan," sabi ko bago tuluyang lumabas. Hindi siya mahilig mag-linis ng mga bangkay ng pinapatay niya. Maarte siya sa pag-hawak ng dugo. Malansa raw kasi ang amoy.

Pumunta ako sa quarters namin. Quarters ng buong Silenous at Bullet iyon, kasama na sina Morana, Brennan at Darcel. Wala naman kasi talaga kaming quarters dito dahil sa Pilipinas talaga kami naka-base.

"'Yan na," sabi ko saka inilapag sa mesa ang listahan.

"Ang tagal mo! Nag-bebe time pa ba kayo ni Hell?" nang-aasar na sabi ni Mari.

"Baliw." Pambabalewala ko. "Rem, tulungan mo raw pala si Hell na mag-linis sa kwarto niya."

"Huh? May namatay ba ro'n?" takang tanong ni Rem. Alam niya na kasi agad na kapag may nagpapatulong mag-linis sa kaniya, matic bangkay ang lilinisin. Tibay kasi ng sikmura niyan.

"Hala, pinatay mo 'yong chic ni Master sa kwarto niya?! Grabe ka mag-selos!" Pamimintang naman ni Bianca.

"Siya pumatay do'n. Hostage niya raw," sagot ko naman. Kumuha ako ng tubig sa ref dahil nauuhaw ako.

"Sus, hostage. Maniwala ka ro'n," natatawang sabi ni Kia. "Chic niya 'yon."

"Bahala kayo," sabi ko na lang at uminom na. Baka na-misunderstood lang nila na hostage talaga ni Hell 'yon.

"Kayo ba ni Hell?" tanong ni Zav kaya muntik ko nang maidura ang iniinom ko at natawa. "What's funny?"

"Wala wala," natatawang sabi ko. "Walang kami ni Hell, 'no! Matagal na kaming tapos." Umiling ako.

"Wala na pala, e. Then why do you sound jealous?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi naman, ah?" Kumunot ang noo ko.

"Really?"

Naiilang ako sa ginagawa ni Zav. Nananahimik kasi silang lahat. Nakatingin lang sa 'kin. Lumingon ko sa paligid at lahat sila ay inaabangan ang sagot ko. Kahit si Hell-

Teka, si Hell?! Kanina pa ba siya rito?!

Ngumisi si Zav at lumapit kay Hell. She cupped her face. Gusto ko sanang umiwas ng tingin dahil ayo'kong makitang hahalikan din ni Hell si Zav pabalik. Pero tinulak ni Hell si Zav. Ibig sabihin, ayaw niya.

"Z-Zav, ano ba..." Umatras si Hell.

Patuloy pa rin sa paglapit si Zav at pilit na hinalikan si Hell. Hindi ko alam kung paano ako nakalapit pero nasipa ko sa ulo si Zav kaya tumumba siya. Inupuan ko siya sa tiyan at sinakal.

"Just because we're not together, doesn't mean that you can do that to her. Hindi niya deserve bastusin," inis na sabi ko.

"Mags! Baka mapatay mo siya!" Awat ni Hell kaya binitiwan ko na si Zav.

Sinampal ko muna si Zav bago ako tumayo at lumapit kay Hell. "Okay ka lang?" tanong ko habang pinapagpag ang suot ko.

"Okay lang... Nakakagulat ka," sabi niya saka napayuko.

"Ehem! Ano... Punta muna 'ko sa training grounds." Umiwas na ako, ang awkward kasi. Ilalabas ko na rin 'yong gigil ko. Nakakairita pala si Zav. Whoo! Nagulat din ako sa sarili ko, ah.

"Sama!" Patakbong sumunod si Ace. "Lupit mo," pabulong na sabi nito saka mahinang tumawa.

"Shh, nakakahiya."

Pumunta na kami sa training grounds at napagdiskitahan ko ang punching bag kaya iyon ang una kong pinuntahan. Nag-suot ako ng gloves at sinubukang suntukin ang punching bag. Okay naman. Nailalabas ko ang gigil na hindi ko nailabas kay Zav. Iniisip ko ngang mukha ni Zav ang sinusuntok ko.

"Gigil na gigil, 'te? Baka naman matanggal sa pagkakasabit 'yang punching bag," natatawang sabi ni Ace habang naghahanap ng baril na gusto niyang gamitin. "Ay may chika ako. Ayo'ko na pala mag-training."

Hinayaan ko lang siya dahil abala ako sa pagsuntok kay Zav- este sa punching bag. Nakakaloka, akala ko hindi ako mapipikon. Pero sino nga naman kasing hindi mapipikon, 'di ba?! Hindi naman talaga deserve ni Hell 'yong ginawa ni Zav, 'no! Lahat kami trinato ni Hell nang mabuti kaya bakit ganoon niya susuklian ang kabutihan ni Hell?!

"Kalma, lumalakas ata 'yang suntok mo, ah." Natawa si Ace. Tiningnan ko siya habang hinihingal ako. Nakaupo na pala siya roon sa bench na malapit sa punching bag.

"Sabi mo may chika ka? Spill," hinihingal na sabi ko.

"Ay, oo... Tungkol 'to kay Zaviah." Umayos siya ng upo. "Hindi ba no'ng umalis ka, kakapasok lang ni Zav no'n sa Grims? Alala mo pa?" tanong niya na ikinatango ko. "Akala ko noon hindi ka pa aalis. Akala ko babalik ka rin agad. Baka magbabakasyon ka lang... O may misyon kang hindi namin alam... Pero hindi naman. Ilang taon ka naming hinintay pero hindi ka bumalik." Pagk-kwento ni Ace sa malungkot na tono.

Baka mahawa rin ako sa lungkot niya kaya itinuloy ko na lang ang pag-suntok sa punching bag.

"Ang sabi ni Zav, siya ang papalit sa 'yo. Inasahan namin 'yon dahil sabi niya, hihigitan ka niya. Kaya sumali rin siya sa Bullet. Ayos ang trabaho niya... Sinusubukan niya pa ngang pumalit sa pwesto mo sa puso ni Hell," sabi niya saka mahinang natawa. "Siraulo, 'no? Gusto ka niyang palitan. Siyempre, mag-kaibang mag-kaiba kayo kaya hindi niya 'yon magagawa."

Huminto ulit ako sa pag-suntok. "Baliw. Hayaan mo na 'yon, inggit sa kagandahan ko 'yon, e," pabirong sabi ko. "Mag-training ka na nga rin! Baka ikaw ang suntukin ko, e."

Natawa siya bago bumalik sa pwesto ng mga baril. Namimili pa lang siya ng baril nang makarinig kami ng sigaw. Mukhang galing ito sa kwarto na malapit-lapit lang din sa training ground.

Nagkatinginan pa kami ni Ace. Gusto naming lumabas at sumilip pero nag-aalangan kami.

Pero napag-desisyunan din naming lumabas. Wala sa sarili kong tinanggal ang gloves ko at lumabas. May mga tao sa labas ng training grounds at nakasilip sa isang kwarto. Nasa dulo ito ng hallway. Nakasara ang pintuan noon pero rinig na rinig ang sigaw ng isang lalaki mula sa loob nito.

"Sino 'yon?" takang tanong ko kay Ali.

"Hindi ko alam. Naka-mask lang siya no'ng pumasok siya rito. Tapos kinaladkad niya na si Hell papasok sa kwarto na 'yon." Nagkibit-balikat si Ali.

Nag-init agad ang ulo ko sa narinig. Bakit niya naman kailangang sigawan si Hell?! Hindi ba siya nabibingi sa sariling bunganga? At hindi niya ba alam kung sino si Hell dito?! Kanina si Zav tapos ngayon, siya naman. Sino ba siya?!

Kinuyom ko ang kamao ko, handa na sana akong sumugod roon pero may humawak sa balikat ko. Tiningnan ko kung sino ang gumawa noon at nakita ko si Diego.

"'Wag. Si Legend 'yon."

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now