35.

169 7 0
                                    

Hell's POV:

"What the fuck do you think you are doing?!"

Naririndi ako sa ingay niya. Kulob pa naman ang kwarto and it cause echo. Alam kong rinig kami sa labas ng kwartong ito. At nakakahiya naman kung maririnig ng ibang member ng Grims kung paano ako pinapagalitan ni Legend. Wala siya sa Grims sa Pilipinas kung saan sound proof ang kwarto niya at maaari niya akong pagalitan anytime.

"Do you really wanna die?! Alam mo ang kapalit ng ginagawa mo, Hell!" Pagpapaalala niya.

Yes, he knew about what I did. Pinabalik ko rito si Magi. And what's worst is... Ginawa kong dahilan si Legend para lang bumalik dito si Magi. It was all lies.

Walang kaso kay Legend kung ginawa ko 'yon. Pabor pa nga sa kaniya dahil mas madali na ang access ko para mapatay si Magi. And that's my mission. To kill the love of my life. I can never do that. At iyon ang ikinagagalit niya sa 'kin.

Kung kailan malapit sa 'kin ang target ko, saka naman ako pinanghihinaan ng loob na gawin ang misyon ko. Ilang taon ko na bang hawak ang misyon ko? Hindi ko alam. Ayo'kong bilangin dahil nap-pressure ako.

But there's a solution to my problem. Nag-iisang solusyon. Na halos hindi ko rin kayang gawing mag-isa...

I have no choice. Kailangan ko iyon gawin para mabuhay si Magi at para matigil ang misyon. Kapag ginawa ko 'yon, wala nang misyon. Hindi na rin iyon puwedeng ipasa at ipagawa sa iba.

The punishment is none other than... Death.

Iniwan ako ni Legend dahil wala rin siyang nakuhang response mula sa akin. Sapat na sa kaniyang ipaalala na mamamatay ko kung hindi ko papatayin si Magi. Pero halos pareho lang naman ang kondisyon. Mamamatay ako pero buhay si Magi... O mamamatay si Magi pero buhay ako. Pero kung mamamatay si Magi, parang mamamatay na rin ako. Magiging miserable ang buhay ko.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata nila nang makitang lumabas si Legend mula sa kwarto. They don't know his face because he's wearing a mask. Pero alam kong by now... They already know that it's Legend. Alam kong sinabi sa kanila ni Diego kung sino ang dumating.

I saw Magi, she's looking at me. I saw how her tears fell. Hindi ko alam kung namamalayan niya ba 'yon o hindi. Pero hindi nagbabago ang hitsura ng mukha niya. She gave me a poker face. Kahit patuloy sa pag-tulo ang luha niya.

You know what I felt? Kumirot ang puso ko.

I ran to her direction. I want to comfort her. Gusto kong punasan ang mga luha niya. But she ran away. Alam kong pupunta lang siya sa kwarto niya kaya sumunod na lang ako.

"Magi..." masuyong sabi ko nang pumasok ako sa kwarto niya.

"Hell, sabi mo hindi mo ako ipapahamak! Pero anong ginagawa mo?! Ipapahamak mo ang sarili mong buhay!" She was crying and her voice is shaking. "Akala ko ba..."

"Sabi ko naman sa 'yo, ibibigay ko sa 'yo ang buhay ko." I hugged her tightly.

"Sana hindi mo na lang ako pinabalik. Kung pagkabalik ko, ikaw pala ang mamamatay at hindi ako." Hindi. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang malayo siya. Hindi ko kayang siya ang mamamatay. At alam kong iyon ang pinakakinatatakutan niya.

A tear fell from my eye. "I'll do everything for you." I kissed her forehead. "Bibigyan kita ng space. Para makapag-isip ka nang maayos. Hahayaan kita."

"Ayo'ko. Aalis na ako."

"'Wag mo namang balewalain ang efforts ko," sabi ko dahil nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.

Masyado ba akong selfish kung gusto ko siyang makasama? Selfish na ba ako kung pipilitin kong dito na lang siya kahit alam kong magkaiba kami ng mundo?

"Gusto mo bang mamatay?" seryosong sabi niya.

Huminga ako nang malalim. "I love you forever."

Iyon ang huling binanggit ko bago ako umalis para naman puntahan ang ibang members. Sa quarters ako dumiretso dahil alam kong naroon lang silang lahat para pag-usapan kung anong naganap kanina.

"Boss! Tubig, gusto mo?" Alok ni Brennan nang mapansin ako.

Ngumiti ako at tumango. Kinuhaan niya ako ng tubig kaya ininom ko iyon.

"Thank you," sabi ko na lang.

"Wala 'yon! Okay na ba pakiramdam mo?" tanong naman ni Brennan. Siguro ang tinutukoy niya ay 'yong nangyari kanina.

"Sobrang thankful ako sa inyo. We've been together for such a long time, 'no? Siguro... Kapag nawala ako, mami-miss ko kayo?" Mapait akong napangiti.

"Ay, hindi mo kami mami-miss!" sabi ni Mari saka natawa. "Hindi ka naman mawawala, e."

"Oo nga! 'Di ba, nag-promise ka pa nga na kapag ikaw ang susunod na Legend, magc-celebrate tayong lahat? O, tapos iaangat mo pa 'yong ranggo namin." Pagbibiro ni Bianca. "Charot. 'Di ba sabi mo, sabay sabay natin tatakasan 'tong mundo na 'to?"

Tumango ako. Promise ko nga 'yon. Ilalabas ko sila sa impyerno na 'to.

"Alagaan niyo 'yong sarili niyo, ah?! Tanga pa naman kayong lahat!" Natawa ako para hindi nila isipin kung ano ang ipinapahiwatig ko.

"Para kang others! True naman 'yan pero 'wag mo na lang i-broadcast!" Napapadyak pa si Kia.

Natawa na lang kami. Hay... I'll miss this.

Umakyat na ako sa kwarto ko para hindi ako maluha sa harapan nila. I texted Mona.

To: Mona

Red. Take good care of her.

There's a hidden meaning. Pero hindi ko na dapat sabihin kahit na kanino kung ano man ang balak kong gawin sa buhay ko.

I have to do my plan as soon as possible.

Pumunta ako sa drawer at kinuha ang baril ko. Kakalagay ko lang ng bala rito. And I prepared it for my self.

I looked at the window. The beautiful skies, peaceful clouds... Siguro mas bagay kasi ako roon?

I took a deep breath before pointing the gun to my own head.

A mission is still a mission. If you can't accomplish it, you'll have to take the punishment.

And that punishment will always be death.

So this is Saskia Hellfyre Welson, pulling the trigger to death.

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now