Magi's POV:
Naka-impake na ako ng mga gamit ko at ready na akong umalis. Two days ago when Hell convinced me to go back to Grims in Spain. Siyempre, pinag-isipan ko pang mabuti kung igho-ghost ko ba sila o babalik talaga ako. Kaso things got even worse. Nag-bigay na ng deadline para sa pagbabayad ng lupa. Kaya kailangan kong habulin 'yon. Iyan tuloy, papunta na ako sa Spain ngayon.
Mas saglit ang byahe ko ngayon pabalik sa Spain. Sinundo ako ni Diego sa airport kagaya ng dati. Muntik ko pa nga siyang hindi ma-recognize.
"Welcome back, Magi!"
Napaatras ako sa gulat nang salubungin nila ako pagpasok ko sa Grims. Wanna know who's sila? The whole Bullet, Silenous with Brennan, Morana and Darcel. Just how the hell are they here? Akala ko kami lang ni Hell!
But not like gusto kong solo-hin si Hell, ah!
Akala ko kasi wala rito ang mga naging kaibigan ko sa Grims sa Pinas. Akala ko hindi ko sila kailangang iwasan. Ayo'kong ma-attach ulit sa kanila. Baka mahirapan na naman akong umalis.
Trabaho ang ipinunta ko rito. At aalis din ako agad. Basta kapag nabayaran 'yong lupa, aalis na ako. Ayo'kong mag-tagal dito.
"Mags! Hindi mo ba kami na-miss?" malungkot na sabi ni Ali. Ali ba? Hindi ko na matandaan.
Hindi ko dapat sila papansinin kaso niyakap nila ako. Paanong hindi ako manlalambot?!
"Oo na, na-miss ko kayo!" Pagsuko ko. "Pero anong ginagawa niyo rito? Akala ko nasa Pinas kayo?"
Umayos ng tayo si Ace. "Well, uh... I missed Kuya D! Kaya pumunta ako rito. Ewan ko sa mga kumag na 'yan kung bakit sila sumunod."
"Wew, ginawa pa talaga akong palusot," pabulong na sabi ni Diego.
"N-Na-miss din namin si Kuya D!" Palusot din ni Darcel.
"Wow, plastic mo, ah. 'Di ba, hindi nga kayo magkasundo ni Diego? Paano mo siya na-miss, huh?" Tinaasan ng kilay ni... Sino siya ulit? Ah! Take 2. Tinaasan ng kilay ni Mari si Darcel.
"Epal! Sakyan mo na lang kasi 'yong palusot-"
"Palusot lang nila 'yon, Magi," sabi ni Diego at umakbay sa akin. "Grabe nadamay pa ako sa ka-plastic-an nila." Bulong pa nito.
"They missed you. Kaya sumama sila rito sa Spain dahil nabanggit ni Hell na dito ka raw magt-trabaho. Napasama lang ako dahil ayo'kong maiwan sa Pilipinas," sabi naman ni Dion habang naka-krus ang mga braso.
Sumingit naman si Kia. "Weh, parang kagabi lang, sabi mo gusto mong makita si Magi ulit."
"Heh! Do'n ka nga kay Mari!" Saway ni Dion.
"Ey, Vanessa! Sabi mo na-miss mo 'ko, right? Tara, I'll show you something." Aya ni Diego sa kapatid.
"Ew! Ace nga, 'di ba?! Puro ka Vanessa!" Reklamo naman ni Ace bago sumunod sa Kuya niya.
"Sama!" Pakikisali ni Brennan na patakbo pang humabol kay Ace.
"I'm glad to see you again, Magi! Bond soon," nakangiting sabi ni Morana. "Sige, pahinga muna ako. Iwan ko na kayo, ah." At kumaway siya.
"Hi, Magi! Nice to meet you... Pangalawang pagkikita pa lang natin 'to. Sana natatandaan mo pa ako," nakangiting sabi ni Zav. Siyempre, naaalala ko siya. Sa lahat ng members, pangalan niya ang hindi ko nakalimutan. Dahil siya ang ipinalit sa 'kin.
Hindi ko alam pero masama ang loob ko dahil kakaalis ko lang noon sa Grims at pinalitan na agad ako ni Zav.
"Yeah, I remember you," sabi ko na lang.
Isa-isa na rin silang umalis at naiwan kami ni Hell na kanina pa pala narito at hindi nagsasalita.
"They missed you so much. Iba rin ang impact mo, ah." Natawa si Hell at lumapit sa 'kin para akbayan ako. "Tara, kumain muna tayo."
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa 'kin. "Sa Grims lang ako bumalik, hindi sa 'yo."
"E 'di hihintayin ko na lang kung kailan ka babalik sa 'kin," sabi niya saka nagkibit-balikat.
Napabulong ako. "Wow, ang effort, grabe." Hihintayin niya lang talaga ako bumalik sa kaniya? Walang effort effort, ganern? Masyado naman ata siyang kampante. Palibhasa, halatang hindi pa ako nakaka-move on. Madaya.
Tumawa lang siya at nauna nang maglakad papunta sa dining area. Naroon na pala ang mga kumag at kumakain. Maraming pagkain na nakahanda at kaniya-kaniyang kuha naman sila. Kaya pala nauna silang pumunta rito ay dahil gutom sila.
"Mags, tara! Kumuha na ako ng pagkain mo," sabi ni Ace kaya umupo ako sa upuan na katabi niya.
"Nasaan?" tanong ko. Sabi niya kasi kinuhaan niya ako ng pagkain pero wala namang pagkain para sa 'kin.
Bigla siyang napalingon at kung saan-saan luminga. "Hoy gago, sinong kumuha ng pagkain ni Magi?!" tanong niya habang hinahanap ang salarin. "Darceeeel!"
"Ano?!" Reklamo naman ni Darcel.
"Kinuha mo 'yong pagkain! Kay Magi dapat 'yan!" Saway niya rito.
Bumuntong-hininga na lang ako at kumuha na ng sariling pagkain. Kung hihintayin ko pang matapos silang magtalo para kuhaan ako ng pagkain ni Ace ay baka hindi na ako makakain.
"Mags, i-train kita ulit, ah?" sabi ni Ace habang kumakain kami.
Tumango ako. "May na-assign na bang misyon sa 'kin?"
"Oo, bago ka pa makabalik dito," natatawang sagot ni Diego.
"Kailan 'yon?" tanong ko.
"Bukas."
Muntik ko pang mailuwa ang pagkain ko sa gulat. Buti inabutan ako ni Ace ng tubig.
"Seryoso, bukas agad?!" tanong ko nang mahimasmasan.
"Charot lang," natatawang sabi ni Diego. "Kung kailan mo gusto. Kung kailan ka handa. Wala namang deadline ang misyon na na-assign sa 'yo. Lalo na't you'll have to do it alone."
"Wala akong kasama? As in, ako lang? Solo flight, gano'n?" Parang nawalan ako ng ganang kumain.
"Yeah. Since I guess, you'd like to be alone. 'Di ba may sama ka pa ng loob?" sabi ni Diego saka sumubo ng pagkain. Tiningnan siya ng ibang tao dahil sa sinabi niya but he doesn't seem to care.
"Sige. Gusto ko munang mag-pahinga ngayon. Bukas ko na lang uumpisahan ang training," sabi ko at tumayo na para kuhain ang mga gamit ko.
Dumiretso na ako sa kwarto ko. Naaalala ko pa naman ang daan papunta sa kwarto ko dahil tumira din naman ako rito noon.
Pumasok na ako agad sa pinto at tumalon sa kama.
When will my life be a lot better?
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?