"Tama na 'yan, inuman na!"
Ginugulo namin si Hell sa quarters ng Silenous. Kahapon pa kami nakabalik dito sa Grims pero busy pa rin siya sa papeles na nakuha niya kahapon. Ililipat niya na raw ang properties ni Mr. Yoon sa pangalan niya. Ginamit niya ang pinirmahang tissue sa mga papel na kailangan ng pirma ni Mr. Yoon.
"Shh!" Saway ni Hell.
"KJ naman nito, e. Sige na, may Tequila sa baba." Bahagyang siniko ni Bianca si Hell na nagt-type sa computer niya.
"Fine, fine. Susunod ako," sabi nito saka napairap.
"Any request?" tanong ni Kia.
"Bacardi," sagot nito agad. "And naked Magi," pabulong na dagdag nito.
"Ano?!" tarantang tanong ko.
"Wala, layas na!" Pagtataboy nito sa amin.
"Sunod ka, ah!" sabi naman ni Ace bago umalis.
Nakakainis. Palagay ko, namumula ang mga pisngi ko ngayon. Shuta, nag-panic ako ro'n, ah! Akala niya ba hindi ko maririnig?!
Bumaba na lang kami. Narito pa rin kami sa quarters ng Silenous pero nasa baba lang. Pinababa nga kasi kami ni Hell. Sa second floor kasi nitong quarters ang room ni Hell. 'Yong room na puro screens kung saan namin pinakinggan ang usapan ni Mama at Heather noong nabaril ko si Ate.
"Kunin niyo 'yong cards, laro tayo!"
Kinuha naman nila ang cards. Nakaupo na kami ngayon sa sahig at pabilog ang puwesto namin. Maya-maya ay bumaba na rin si Hell.
"Sali ka!" Biglang hinila ni Mari paupo si Hell. Bumagsak tuloy si Hell sa 'kin dahil katabi ko si Mari.
Pasimpleng kinurot ni Ace ang tagiliran ko dahil katabi ko rin siya. "May kinilig." Bulong nito.
"Bonak," sabi ko naman saka tinulungang makaupo nang maayos si Hell. Katabi ko tuloy siya ngayon.
Hindi ako kinilig, 'no. Paano ako kikiligin, e ang bigat ni Hell?! Inis.
"Game, game! Hell, shot mo!" Inabutan agad ni Ali ng shot si Hell.
"Master! Master, may tao ba rito?!" Sigaw ng isang lalaki mula sa labas habang malakas na kinakatok ang pinto. Boses ni Darcel iyon.
"Bukas 'yan!" Sigaw naman pabalik ni Kia.
Maya-maya'y bumukas ang pintuan at bumungad si Darcel na may dalang papel. "Hala may inuman pala! Maduga, 'di nag-aaya! Hoy, Brennan, tara dito!" Nag-aya pa ito.
Pumasok silang dalawa ni Brennan at nakiupo sa 'min.
"Ba't ka ba nandito?" tanong ni Hell kay Darcel.
"Sasabihin ko lang sana na nakapili na kami ng misyon. May target date ba 'to?" May iniabot na papel si Darcel at binasa naman ito agad ni Hell.
"Next month pa target date niyan, e." Ibinalik ni Hell ang papel kay Darcel.
"Ah, next month pa pala. E 'di puwede pa kaming mag-inom, 'di ba? Inom muna tayo," sabi naman ni Darcel saka nagsalin ng alak sa baso at tinungga iyon. "Walang pulutan? Cheap niyo, ah!"
"Ali, pulutan daw!"
"Sige, Darcel. Pa-chill chill ka lang diyan, tingnan natin kung matapos niyo 'yang misyon 'til next month." Napangisi si Hell.
Inasar nila si Darcel habang si Ali naman ay kumuha ng pulutan.
Nang makabalik si Ali ay itinuloy na namin ang inuman. Nakailang bote pa nga kami. Malakas na ako sa alak pero nauna pa akong nalasing kaysa sa kanila! Dinaig ako, men!
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?