"Shh! Anong sinasabi mo?! Baka marinig ka nila!"
Pabulong kong sinaway si Ace na natatawa pa. Lalo akong namula sa sinabi niya. Napaghahalataan tuloy na bakla ako, e. Mabubuking pa ako.
"Kinilig ka naman," natatawang sabi niya. "Pero seryoso nga. Hinala talaga namin, may gusto sa 'yo si Hell."
"Namin? Nino?" Kumunot ang noo ko. "Saka paano niyo naman nasabi 'yan?"
Nagkibit-balikat siya. "Napapansin kasi namin ni Mors na may special treatment sa 'yo si Bossing. Don't take it badly, ah!" Depensa niya agad sa sarili kahit na wala pa akong sinasabi. "Pinabilhan ka nga agad niya ng kotse, e. Pati motor, 'di ba? Tapos 'yong black heart sa gilid ng pintuan mo... Siya gumawa no'n."
"Sure kayo?" tanong ko, pilit na itinatago ang kilig na nanunuot sa katauhan ko. Kems!
"Bawal kaya ang vandalism sa Grims! Siya mismo ang gumawa ng rule na 'yon. Pero noong nalaman niyang may black heart sa gilid ng pintuan mo, hindi niya naman pinatanggal. Imposible naman sigurong si Legend ang nagpalagay no'n sa pintuan mo. Silang dalawa lang naman kasi ang pinapabayaan na lumabag sa rules." Paliwanag niya habang nagmamaneho.
"Ang cute naman kung gano'n..." pabulong na sabi ko. "Pero 'wag tayong assuming! Baka ma-hurt ang ating feelings."
"Crush mo si Hell, 'no?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"H-Huh, pa'no mo nasabi?" tarantang tanong ko. Bistado ako, boi!
"Halata naman... Alam mo ba, chika sa 'min ni Brennan, matagal ka na raw tinitingnan ni Hell sa malayo. Kaya nga sinabi niyang simp si Hell, e," natatawang sabi niya. "Lakas makasabi ng torpe ni Hell kay Brennan pero torpe rin naman siya." Napailing si Ace.
"Paano niya naman ako nakikita?" tanong ko.
"Sa Mondallo. Nag-aral din siya ro'n. Naabutan niya siguro no'ng first or second year college ka pa," sagot naman niya.
Nabanggit niya ngang nag-aral siya ng Crim noon. Nakita ko na rin siya sa Mondallo, once lang. Hindi ko naman alam na magk-krus pala ulit ang landas namin.
"Hindi na siya nag-aaral?" tanong ko. Parang interview na rin 'to. Char.
Umiling siya. "Ayaw niya na, e. Naging master na kasi siya sa Grims kaya 'yon na lang ang pinagtuonan niya ng pansin. Pero matalino 'yan si Master!"
Tumango na lang ako at hindi na umimik.
Inaantok na kasi 'yong writer, bukas naman. Hahahaha keme lang.
Tumingin na lang ako sa bintana. May nadaanan kasi kaming tulay tapos saktong ang ganda ng sikat ng araw.
"Magi, kung sakaling sure na tayo na gusto ka ni Master, gugustuhin mo ba siya pabalik?" tanong ni Ace kaya napatingin ako sa kaniya.
Nagkibit-balikat ako. "Baka nga gusto ko na siya kahit hindi ko pa alam na gusto niya ako, e." Natawa na lang ako.
Hindi pa naman din ako sigurado kung gusto ko na siya. Crush siguro. Pero malay mo ma-develop 'yong feelings ko, 'di ba? Who knows?
Ilang sandali pa akong tumunganga sa bintana dahil wala na kaming mapag-usapan ni Ace. Kinain ko na rin ang baon kong snacks. Hindi talaga ako makaramdam ng antok kahit na sobrang boring.
Sumayaw na nga ako sa TikTok pero hindi man lang ako napagod. Malamang, mukha akong tanga sa video kaya sa private ko lang ipinost.
"Gusto mong mag-drive?" tanong ni Ace kaya napaayos ako ng upo.
"Puwede?" Nagliwanag ang mukha ko. Gusto ko rin kasi talaga mag-drive. Kapag nagp-practice ako mag-drive, feeling ko hindi ako marunong. Pero no'ng nag-drive naman ako last week, kaya ko naman.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?