"Hoy, bakit puro pulutan ka?!"
Reklamo agad ang narinig ko nang mapansin nilang puro pulutan lang ang kinakain ni Kanao at hindi ito masyadong umiinom ng alak. Talaga 'tong buraot na 'to, ginawang kanin 'yong pulutan, e.
"'Wag gawing kanin ang aming pulutan~" Pagkanta ko habang nagpaparinig kay Kanao.
Mga may tama na rin 'tong mga 'to, e. Mamaya may susuka na, may magmamadaling umuwi, may iiyak. Sanay na.
Ang tagal na rin naming magkakaibigan. Umabot kami ng ilang taon at nadagdagan din kami. Naging kaibigan namin si Yoshi. At 'yong crush ni Leighnash na si Sam, jowa niya na ngayon. Tropa na rin namin.
"Gara niyo! Ubusin na nga natin 'to para makauwi 'yong mga lasing!" malakas na sabi ko. Hindi ko alam kung dahil ba may tama na rin ako kaya ganito ang boses ko o ano.
"Sus, ikaw nga rin, lasing!"
Umiling lang ako para sabihing hindi ako lasing. Tipsy lang.
Inubos na lang namin kung ano ang natira. Nauna namang umalis ang iba habang si Heather, nakatulog na sa mesa. Si JM na lang ang natirang matino kaya tinulungan niya akong mag-linis.
"Ano, Ado, 'di ka na natapos sumuka riyan, ah!" Pang-aasar ko kay Adonis na kanina pa nasa banyo.
Bumalik na lang kami ni Julie sa paglilinis at nang matapos ay nagpaalam na rin siyang umuwi. Nakaalis na si JM nang lumabas si Adonis mula sa banyo.
"Isinuka mo ba lahat ng lamang-loob mo?" natatawang tanong ko.
Natawa rin naman siya. "Sige, una na 'ko, Mags." Yumakap muna ito bago pumunta sa gate.
"Ingat, pre!"
Matamis itong ngumiti nang lingunin ako ulit. Tinanguan niya lang ako saka lumabas.
Iniakyat ko naman si Heather sa kwarto niya. Hiningal nga ako. Ang bigat pala nitong babaita na 'to.
Pagkatapos kay Heather, dumiretso naman ako sa kwarto ko para matulog. Kaso napansin kong tunog nang tunog ang cellphone ko. Puro chats.
Shetay, nakalimutan ko i-chat si Marco!
Marco: are u busy?
Marco: y arent u replying?
Marco: dapat nagsabi ka na lang sakin kung ayaw mo akong kausap. ginagawa mo akong tanga rito.May iba ang chats at ang dami no'n kaya napasapo na lang ako sa sariling noo bago nag-reply.
Magi: kasama ko mga tropa ko, inuman lang saglit.
Palusot ko. Totoo naman 'yon pero hindi nga lang saglit, hehe.
Marco: saglit, huh. kasama mo si adonis no?
Napakunot ang noo ko sa reply ni Marc. Hindi niya naman kailangan pang itanong iyon dahil lagi ko namang kasama si Ado kapag may inuman ang tropa.
Magi: oh, anong meron kay adog?
Adog talaga ang tawag ko kay Adonis dahil pang-asar ko 'yon sa kaniya. Mukha siyang aso. Charot. Basta pang-asar 'yon.
Marco: tsk. mag break na lang tayo, magi. diba sinabihan na kitang lumayo kay adonis? di ka naman nakikinig sakin e. di siguro ako importante sayo.
Napataas ang isang kilay ko sa nabasa ko. Sadboi peg yern? Ang arte naman! Malamang tropa ko 'to, ba't ko lalayuan? May sapak 'tong animal na 'to, ah.
Magi: ok.
Madali akong kausap, 'no! Akala niya ba pipigilan ko siya? Manigas siya. Pangit naman niya ka-bonding.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?