"Anong congratulations, tungak? Pakialam ko naman sa pangalan ni Legend?"
Natawa ako kahit seryoso sila. Ang pangit nga naman kasi ng pangalan ni Legend. Carlo? Carlo amp. Walang dating. Paki ko naman kung alam ko ang pangalan niya? May pa-congrats congrats pang nalalaman, e. Top secret nga ni Legend ang pangalan niya pero hindi naman achievement kapag nalaman mo ang pangalan niya.
"Seryoso? You forgot already?" natatawang tanong ni Hell kaya lalong kumunot ang noo ko.
"Hay, girl. Sinasabi lang ni Legend ang pangalan niya sa susunod na magiging Legend. So that means, you're the next Legend. Ready ka ba?" Pagpapaliwanag ni Mona.
Natigilan ako nang maalala ang kinuwento ni Hell sa 'kin.
"Magi, gusto mo ng- multo!" Napalingon kaming lahat kay Ace na kakabalik lang mula sa grocery store.
"No, they're real." Natawa ako.
"Weh, pakurot nga." Kinurot niya ang pisngi ni Mona.
"Masakit," sabi ni Mona saka umirap.
"True nga," sambit na lang ni Ace nang ma-satisfy siya. "Balik ka sa Grims, Mona?"
"'Yan ay kung may Grims pa akong babalikan," sagot ni Mona.
"Heh! Bumalik nga muna tayo sa Grims! May utang kayong explanation sa 'kin!" Aya ko sa kanila.
Mona's POV:
We went back to Grimsborough. Nag-explain kami habang kumakain si Magi. Sure, she's hungry. Ngayon lang ata siya nakakain nang matino dahil sa kagagawan namin.
Hindi na rin nagulat ang ibang member ng Grims nang makita ako dahil dumaan na rin naman kami rito kanina. Hindi lang kami naabutan ni Magi dahil nasa kotse na siya no'ng nakita siya ni Hell.
What really happened back there was...
My forehead creased when I saw her text.
From: Hellfyre
Red. Take good care of her.
Is she sure, she's really gonna do this?
I sighed. Alam kong wala siyang gagawing mabuti ngayon.
We've been friends for a long time. At hindi nawala iyon sa 'min. Kahit na noong gumawa ako ng sarili kong grupo. Mas gusto niya talaga sa grupo ko dahil hindi maganda ang trato ni Legend sa kanila. I still don't know his name, though.
Nanatili kaming magkakampi habang nasa loob siya ng Grims. Walang ibang nakakaalam na magkakampi kami maliban kay Diego. Oo, alam ni Diego.
Naging kaibigan ko rin naman si D noong mga panahong nasa Grims pa ako at bago malipat si D sa Spain para maging Master. At pareho lang sila ni Hell na nanatili sa side ko.
Ipinaalam sa 'kin ni Hell ang misyong ibinigay ni Legend sa kaniya. Ang patayin ang kambal ko. I could never ever let that happen. Alam kong may sama ako ng loob sa totoo kong pamilya pero hindi ko naman siguro kayang sikmurain na hayaan na lang na mamatay ang kambal ko.
Gumawa ako ng distraction para hindi mahalata ni Magi na sinusubukan siyang protekhan ni Hell habang gusto naman siyang ipapatay ni Legend.
Binaril ko si Ate Reese. Yes, I did that.
Para lang ma-distract si Magi. Nagulat nga ako dahil nabaril din pala ni Magi si Ate. Kaso sa braso lang tumama ang bala niya. Bala ko ang tumama at nag-cause ng malaking trouble kay Ate, and I'm sure of that. That's such a silly plan but at least it worked. At okay naman na si Ate Reese kaya wala na akong paki kung ginawa ko iyon sa kaniya.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?