"Sa'n ka galing kagabi?! Nagkabarilan daw sa Alpha kahapon, akala namin patay ka na!"
Hindi ko alam ang ipapalusot ko ngayon kay Mama. Yari malala. Ito na nga ba sinasabi ko, e. Bawal ko pa naman sabihin na, 'Opo, nagkabarilan at isa ako sa mga bumaril kaya nadawit ako. Dinala nila ako sa malaking mansyon tapos mag-training daw ako'. Kung puwede lang talaga.
Make sure you won't tell anyone about this.
Sabi 'yan ni Hell bago ako umalis kanina. Kaya ito, hindi tuloy ako makasagot kay Mama ngayon.
"Bakit pala iba na 'yong damit mo? Nasa'n 'yong suot mo kahapon?" takang tanong ni Mama nang mapansin ang suot kong damit.
"A-Ano, Ma... Kasi 'di ba nagkabarilan? Tapos napatakbo na lang ako no'n. Napunta ako sa bahay ng tropa ko kaya nag-stay muna ako. Pinagpalit nila ako ng damit kasi pawis na ako. Do'n na rin ako nakitulog kasi natatakot ako lumabas ulit." Palusot ko. Sana gumana.
"Sus, kumain ka na ba?" Pag-iiba ni Mama ng usapan.
Whoo! Galing ko magpalusot!
Parang gusto kong tumalon sa tuwa kaso nasa harap ko pa si Mama.
"Hindi pa. Nagugutom na nga ako, e," sagot ko. Ang totoo niyan, pinakain nila ako kanina bago ako pinauwi. Kaso nagutom ako ulit kasi nilakad ko lang 'to pauwi.
Hinatid ako ni Ace hanggang sa labas ng village namin dahil hindi ko nga alam 'yong dinaanan namin kahapon. Malay ko ro'n. Kaya 'yon, nilakad ko simula labas ng village papunta sa bahay. Letche, sa dulo pa naman 'yong bahay namin, kahingal.
Pinakain muna ako ni Mama bago ako tuluyang nakapunta sa kwarto namin ni ate. Wala si Ate, baka nag-date sila ng boyfriend niya. Tinawagan ko na si Heather para sunduin ako.
Siguro lunch time na darating si Heather kaya makakapag-lunch pa kami rito bago kami umuwi.
Naligo muna ako dahil nanlalagkit ako. Saktong pagkalabas ko ng CR, nandiyan na si Heather at patapos nang magluto si Mama ng tanghalian.
Kumain muna kami ni Heather bago nagpaalam na uuwi na.
"Ba't ka may sugat sa hita?" tanong niya nang makasakay kami sa kotse. Napansin niya na pala. "Masakit?"
Natawa ako. "Hindi naman na masakit. Kahapon pa 'to, e. Daplis lang ng bala."
Nagulat siya saka tinanong kung bakit ako nadaplisan ng bala. At doon nagsimula ang chismisan. Nabalitaan niya raw 'yong barilan sa Alpha kahapon kasi may kakilala raw siya na nasa Alpha rin kahapon.
Kung ano-ano pa ang napag-usapan namin bago kami tuluyang nakauwi. Natulog na lang ako dahil napagod ako.
Gumising ako around 5 PM para naman magluto ng dinner namin ni Heather. Pagkatapos mag-dinner, siyempre kaniya-kaniyang hugas ng pinagkainan.
Natulog lang ulit ako at hinintay na mag-umaga dahil may pasok pa.
As usual, sabay kaming pumasok ni Heather. Magt-tap pa lang sana ako ng ID kaso hindi ko makapa 'yong ID ko sa bulsa. Gago, nahulog pa ata.
"Ano 'yon? May hinahanap ka?" tanong ni Heather nang mapansing hinahalungkat ko ang bag ko.
"ID ko, hindi ko mahanap." Napasapo ako sa sariling noo.
Natawa naman agad si Heather. "Sa'n mo kasi nilagay? Gagi, lagot ka, hindi ka makakapasok."
Napakamot na lang ako sa batok ko. Ewan ko rin pero napatingin na lang ako sa ID na suot ni Heather, akin 'yon, e!
"Hoy, ID ko 'yan, e!" Kinuha ko mula sa kamay niya ang ID ko at pinakita ito sa kaniya nang mabuti. "Oh, 'di ba, akin 'to."
"Hala, e 'di nasaan 'yong akin?!" tarantang tanong nito.
"Burara kasi." Siya na ang pinagtatawanan ko ngayon.
Bumalik tuloy ulit siya sa kotse niya para i-check kung naiwan niya lang ba roon ang ID niya. Mabuti nakita niya.
Isang boring na araw na naman sa Mondallo. Hinintay ko lang talaga mag-uwian, e.
"Anong kakainin natin for dinner?" tanong ko kay Heather habang hinahalungkat sa bag ko ang wallet ko. "May bibilhin ako malapit sa palengke, isasabay ko na rin 'yong pag-bili ng ulam. Samahan mo 'ko, ah."
Tumango na lang si Heather. Nag-park muna siya malapit sa palengke bago kami bumaba. Namili lang kami ng ingredients at umuwi na rin kami.
Nagbihis lang ako nang makauwi na kami bago ako nag-luto.
"Aray, putangina!" Napamura ako sa sakit nang mapaso ang daliri ko. Nahawakan ko kasi 'yong kawali. Mainit pa pala 'yon.
"Um-order ka ba online? May motor sa labas, order mo na ata 'yon," sabi ni Heather saka lumapit sa 'kin. "Ako na lang muna rito."
Tumango na lang ako saka lumabas. Ang alam ko, hindi pa ngayon ang dating ng order ko, ah? Napaaga ata?
Binuksan ko muna ang gate at lumapit sa lalaking naka-motor. Angas ng motor niya. Parang hindi delivery man.
"Sakay," mahinang sabi niya.
Kumunot ang noo ko. "Huh? Bakit? Sino ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Brennan. Alala mo pa?" tanong niya na ikinatango ko. "Pinapatawag ka ni Hell. Sakay na."
Lumingon muna ako sa bahay namin bago ibinalik ang tingin kay Brennan. "Kasi-"
"Sakay."
Bumuntong-hininga na lang ako. Sumakay ako dahil wala naman akong choice. Baka ipa-kidnap pa ako ni Hell kapag hindi ako sumama kay Brennan ngayon.
Inabutan ako ni Brennan ng helmet kaya isinuot ko 'yon.
"Kapit," sabi nito kaya kumapit ako sa tagiliran niya.
Nagulat ako nang bigla niyang pinaharurot ang motor kaya napayakap ako sa kaniya. Hindi ako sanay sumakay ng motor, ah! Kapag na-disgrasya kami rito papatayin ko 'to!
Para akong tanga na sobrang higpit ng yakap kay Brennan hanggang sa makarating kami sa mansyon nila Hell.
Tinapik ako ni Brennan. "Nandito na tayo."
Tinanggal ko agad ang pagkakayakap sa kaniya saka mabilis na bumaba mula sa motor. Hinubad ko na rin ang helmet na suot ko at inayos ang buhok kong gulo-gulo na.
"Putla mo, ah." Aba, iba rin 'tong Brennan na 'to, ah! Pagtawanan ba naman ako!
"Nandito na pala kayo. Tara na sa baba," sabi ni Ace nang makita kami. Kanina pa ba kami hinihintay?
Sumunod na lang ako sa kanila. Nakakailang nga dahil nakatingin pa sa 'min 'yong ibang tao rito habang naglalakad kami. Ngayon ko lang napansin na mukhang may mga lahi sila.
"Diretso sa training grounds? So pinatawag lang talaga ako para mag-training?" tanong ko.
Tumango si Ace. "Hinihintay ka lang talaga naming makauwi galing sa university."
"Pa'no niyo pala nalaman kung saan ang bahay ko at kung anong oras ako uuwi?" tanong ko ulit habang nagkakabit ng gear.
"Secret." Ngumisi si Ace. "Master! Nandito na si Magi."
Lumapit lang din sa 'min si Hell at sinabi kina Brennan at Ace kung anong ituturo sa 'kin ngayon.
"Good. Bukas, gusto kong mag-aral ka na kung paano bumaril," sabi ni Hell nang matapos ako sa pinapagawa nila. "Puwede ka nang kumain."
Tinanggal ko na ang mga gear na suot ko kanina.
"Hell... May gusto akong itanong." Napaiwas ako ng tingin nang lumingon si Hell. May kanina pa kasi gumugulo sa isip ko pero nahihiya akong magtanong.
"Go on."
"Ano ba talaga kayo?"
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?