"You know this guy named Zylo?"
I asked Coleen, a friend of mine. I called her this morning. Dating member siya ng Grims pero umalis na siya. But that doesn't mean na nagbabagong-buhay na siya. I can always call her and give her a mission, a job or something. She'll do anything for money.
[Zylo? You mean that Zylo guy that they call Knight from a gang? 'Yong sa Mortessa, right?] Hindi ako nagkamali ng tinawagan. Good thing, she knows almost every gang member in Mortessa.
"Yeah, whatever his name is."
[Yeah?]
"Kill him." I whispered. Ayo'kong may makarinig sa 'kin. I don't want them to know na ako ang magpapa-patay kay Zylo.
Ang gusto ko nga sana... Ako ang papatay sa kaniya.
Kaso 'wag na. Mahahalata lang ako.
[What? He didn't do anything to me-]
"But he did something to my girl. Kill him or I'll kill you. You understand me?" My voice raised a bit.
[Sure, he'll be dead by tomorrow.] Then she hung up the call.
Madaling kausap. That's what I want.
Papasok na sana ako ulit sa loob ng room dahil malamig dito sa balcony pero tumunog ulit ang phone ko. Tumatawag si Legend...
"Hey..." mahinang sabi ko nang sagutin ko ang tawag.
[Nagawa mo?]
"Uh, 'yong mission? Oo, pero hindi pa tapos. Mamaya pa siguro namin mapapatay 'yong-" Hindi niya ako pinatapos.
[Si Magi?]
Napayuko ako. Hindi ko alam ang isasagot. Alam kong hindi matutuwa si Legend sa ginawa ko.
[I know you won't.] I heard a sarcastic laugh.
Hinihintay ko pa siyang magsalita pero pinatay niya na pala ang tawag.
"Oh, Hell? Kanina ka pa gising?" sabi ni Kia na kakarating lang sa balcony at may bitbit na mug of coffee.
"No. Kakarating ko lang din dito." I lied.
Sa katunayan, hindi ako natulog. Hindi ako makatulog sa kakaisip kung ano nang gagawin ko. It's not about the mission.
Pero ngayong alam na ni Legend at wala man lang siyang sinabi... Siguro hahayaan ko na lang ang sarili ko.
Siguro puwede na. Puwede ko na siyang gustuhin.
Magi's POV:
"Sa'n ba tayo susunod na pupunta? Wala pa bang say si Hell?" tanong ni Mari. Inip na siguro siya.
Kumagat muna ng tinapay si Ace. "Nag-text siya. Sa hotel daw ang sunod. Iyong hotel ata." May itinuro siyang building sa bintana.
"Mamaya na?" tanong ko at tumango naman si Ace.
Parang hindi pa ako ready makita ulit si Hell. Natakot ako kahapon, e. Kaloka, akala ko talaga babarilin niya ako.
Now I know how it feels like. 'Yong ginawa ko kay Heather... It must cause her trauma.
"Okay ka lang? Gutom ka ba? 'Yan oh, breakfast ka na." Inalok ako ng pagkain ni Rem.
Nginitian ko na lang siya saka kumuha ng pagkain. Alangan namang tanggihan ko, e nagugutom na rin talaga ako.
Pagkatapos mag-breakfast ay sinabihan na kami ni Hell na mag-ayos. Before lunch time, kailangan na naming umalis. Nag-dala rin sila ng mga damit sa room namin. Puro suits at may ilang dress.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?