23.

161 10 0
                                    

"Welcome back, self!"

Tuwang-tuwa ako nang makatapak ulit ako sa Pilipinas. Bumalik muna kami dahil gusto namin i-celebrate ang pag-angat ng ranggo nina Ace, Brennan at Morana. Elites na kasi sila. Tumaas din ang ranggo ko sa Veteran kaya isasabay na namin ang celebration.

"Wala pa tayo sa Grims, don't be so happy yet," natatawang sabi ni Hell saka ako inakbayan.

I wore my shades. Mataas kasi ang sikat ng araw, nakakasilaw. Ganoon din naman si Hell, suot din ang shades niya. Pareho kami ng sunglasses dahil maarte siya. Gusto niya pareho.

Hinatak ko ang maleta ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Pagkalabas namin sa airport ay sinalubong na kami ng isang pamilyar na van. Iyon ang van namin dati. Buhay pa pala ito hanggang ngayon.

Pumasok kami sa van. Hindi pala si Ace ang driver nito. Ang sabi ni Hell, rookie raw iyon kaya hindi ko kilala. Baka kakapasok lang.

Tinanggal ko muna ang shades ko habang nasa byahe pa at isinuot na lang ito muli nang bumaba kami mula sa van.

Napangiti ako habang nakatingin sa Grims. Walang pagbabago. Na-miss ko 'to!

Gusto kong magtatatalon sa tuwa kaso gusto ko munang itago ang excitement ko.

Sabay kaming pumasok ni Hell at nadaanan namin sila Ace na nanonood sa living room. Mukhang hindi man lang nila kami napansin dahil tutok ang mga mata nila sa pinapanood.

"Ehem!" Pasimpleng umubo si Hell para agawin ang atensyon nila. "Busy niyo ata?"

"Hmm?"

"Po?"

"Sino po sila? Sinong nag-recruit sa inyo?"

"Parang others kayo, ah." Napairap ako nang hindi nila kami nakilala. Tinanggal ko ang shades ko at tinanggal ko rin ang kay Hell. "Hindi niyo kami na-miss?" nagtatampong tanong ko.

"Huh? Ah- Magi?! Hala, ikaw na 'yan?!" Nataranta si Ace at nanlaki ang mga mata. Napatayo pa ito sa gulat.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. "Bwisit kayo!" Sigaw ko. Na-miss ko talaga sila.

Isa-isa ko silang niyakap.

"Master, hindi mo kami yayakapin?" tanong ni Darcel kay Hell na nakatayo lang sa likod ng sofa.

"Bakit? Na-miss ko ba kayo?" pabirong sabi ni Hell. "Nga pala, Vanessa Grace, na-miss ka raw ng Kuya D mo." Magkapatid nga pala si Diego at Ace. Nabanggit na iyon ni Diego noong una kaming nag-kita.

"Vanessa Grace amp!" Natawa nang malakas si Mari.

"Bossing naman, e!" Pagmamaktol ni Ace. Ayaw niya nga kasing tinatawag siyang Vanessa Grace. "Patawa-tawa ka diyan, Marimar, ah!" Pang-aasar niya naman kay Mari.

"Epal, weh." Napairap si Mari.

"Awit, hindi tayo na-miss ni Master." Napahawak sa dibdib si Kia at nag-inarteng lubos na nasaktan. Nagyakapan pa ang buong Silenous at hindi isinali si Hell. "Tayo-tayo na lang talaga sa buhay. Hindi na tayo mahal ni Master." Dagdag pa nito.

"Ang sakit sa damdamin," sabi pa ni Dion.

Napailing si Hell at inilahad ang mga braso. "Yakap."

"Hindi na. Labag sa loob mo 'yan," malungkot na sabi ni Bianca.

"Ayaw niyo, e 'di 'wag-" Aayos na sana si Hell pero nagsitakbuhan ang Silenous sa kaniya para yakapin siya. "Aray, dahan-dahan! Ang arte niyo, yayakap din pala!" Reklamo nito.

Natawa na lang kami. Mukhang sobra nilang na-miss ang isa't isa kaya hinayaan na lang muna namin.

Sa ilang taon ng pags-stay namin sa Spain, paniguradong mami-miss namin ang mga kaibigan namin dito. Lalo pa't sila ang mga una kong nakilala nang tahakin ko ang landas na ito.

Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)Where stories live. Discover now