This is a work of fiction. Names, places, and anything here is fiction. Any resemblance to real people, places, events, and/or anything in this story, is pure coincidence.
Some photos are not mine, too. Credits to the owners.
You must read She (Girl's Love Series #1) [Completed]
The Fall in Summer (Girl's Love Series #2) [Completed]
A Rose Between Pages (Girl's Love Series #3) [Completed], and
Leads To Nowhere (Girl's Love Series #4) [Completed] before this.This story may contain spoilers.
Also, this version is unedited so there might be typographical and grammatical errors. Bear with those. Read at your own risk.
"Babaita, gising na!"Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang tawagin ako ni Mama. Tiningnan ko ang oras at nanlaki ang mga mata ko nang makitang late na pala ako nagising. May pasok pa!
"'Yan, kasi, late na natutulog. Late ka na naman mamaya," sabi agad ni Ate nang makababa ako.
Takbo papuntang banyo, mabilisang ligo. Isinuot ko na rin ang uniform ko kahit hindi pa plantsado. Nag-baon na lang ako ng pagkain dahil wala na akong balak kumain ng almusal.
"Ma, alis na 'ko!" sabi ko matapos ayusin lahat ng kailangan ko.
Naglakad pa ako papunta sa labasan para mag-abang ng tricycle papunta sa school.
Kumain muna ako ng baon kong tinapay habang nakasakay sa tricycle. Naubos ko rin iyon agad kaya uminom na ako ng tubig. Medyo malayo pa ako sa school kaya pinaglaruan ko muna ang ID ko dahil nabo-bored ako.
Nang makababa ay nag-bayad na ako. Napatingin pa ako sa himpapawid. Mukhang maaraw ngayon. Mainit na naman sa room mamaya.
Seeing the sunrise makes me feel productive. Kaso hindi ko naman inaabutan ang sunrise dahil tanghali na ako gumising. 'Wag na ngang isipin 'yang productivity na 'yan. Waste of time. Wala na ngang utak, nag-iisip pa.
Pumasok na 'ko agad sa room. Kakarating lang din siguro noong teacher. Nagsusulat siya sa board kaya hindi niya napansin na pumasok ako.
Hindi nga lang ako nakaupo agad dahil may ibang nakaupo sa upuan ko na ngayon ko lang nakita. Transferee ata.
"Excuse," pabulong na sabi ko kaya tiningnan niya ako. "Upuan ko 'yan."
Mukhang hindi niya alam ang gagawin kaya hindi siya tumayo. Basta kung saan-saan siya lumilingon. Nag-iisip siguro kung saan siya uupo kapag pinaalis ko siya sa upuan ko.
Kinabahan ako dahil ang tagal niyang umalis. 'Di ako makaupo, e. Kapag nahuli talaga ako ng teacher na 'to, nako! Terror pa naman 'tong matandang 'to.
"Miss Solana! Late ka na naman!" Sita sa 'kin noong teacher. Sabi ko na, mahuhuli ako, e. "Bakit ka pa nakatayo riyan?!"
"Ma'am, inupuan niya po 'yong upuan ko," sagot ko naman. Pinipigilan ang sariling huwag matakot sa teacher na 'to.
Umiling siya. "Siya na ang bagong uupo sa upuan mo ngayon dahil lagi kang late. Ngayon, habang walang vacant seat, sa labas ka na lang umupo."
"Hala. E nauna akong umupo rito, Ma'am." Reklamo ko.
"Sino bang naunang pumasok? Siya, 'di ba? Labas na! Bukas ka na lang magpahanap ng bago mong uupuan!" sabi no'ng matandang mataba na akala mo maganda.
Napairap ako saka masamang tiningnan 'yong babae kanina. Napalabas pa 'ko dahil sa kaniya.
Kung tutuusin, hindi niya naman talaga kasalanan lahat. Gusto ko lang siyang sisihin.
YOU ARE READING
Pull The Trigger ( Girl's Love Series #5)
RandomThey have a hundred missions and a gun can solve 99 of them. Except love. It can't be solve with a gun. But if they're given a chance to do so. Who'll pull the trigger?