"Mahal Kita, Pero Tama Na"

138 11 1
                                    

Dedicated to exjhayy.

Minahal lang naman kita,
Ngunit pighati ang ibinunga,
Mga pangako nating dalawa,
Naglaho na parang bula,

Dahil no'ng una palang kitang makita,
Para sakin ay ikaw na,
Pagmamahalan na kay tamis,
Bigla nalang nawala't lumihis,

Laro ng kapalaran,
Ating naranasan,
Ngunit bakit ka bumitaw,
Iniwan mo akong pumapalahaw,

Kahit na ganon ay umasa parin ako,
Na balang-araw babalik ka sa piling ko,
Habang may ngiti sa mga labi mo,
At sasambiting "Hindi na ulit kita sasaktan, mahal ko",

Lumipas ang araw, buwan at taon,
'Yong pagmamahal ko sayo nakatatak na't nakabaon,
'Di na alam kung paano makakaahon,
Kasi 'di ko na maalis tila baý selyadong kahon,

Bakit ganyan ka?
Ikaw na nga ang nagkasala,
Ngunit bakit ako ang nagdurusa?
Minahal lang naman kita, diba?

Sinubukan ko namang kalimutan ka,
Alisin ang bigat nito ng makahinga na,
Nagawa ko nga,
Nakahanap na ng iba,

Buhay kong binagsakan ng langit,
Napunan ng taong aking pinalit,
Pinahalagahan niya ako,
At higit pa sa nagawa mo,

Pero akala ko lang pala,
Ngayong masaya na ako, nagbalik ka pa,
Tama na, wala ka bang awa?
Ayaw mo ba akong sumaya?

Ngayon gusto mong magbalik ang dating tayo,
Yung mga ala-alang ating nabuo,
Ngunit hindi mo ba alam ang salitang tapos na?
Wala na at wala ka ng babalikan pa,

Iniwan mo na ako diba?
Hindi ka nakuntento kaya naghanap ka ng iba,
Ano masaya ka na?
Kasi nawasak mo na ang pader na iniharang ko simula ng mawala ka,

Oo, mahal parin kita,
Pero pwede bang tama na,
Hayaan mo naman akong lumigaya,
Sa piling nga lang ng iba,

Tatapusin ko na ang aking tula,
Katulad ng paglimot ko sa ating mga ala-ala,
Mahirap pero hanggang dito nalang talaga,
Mahal kita, pero tama na...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon