"Kabataan Sa Kasalukuyan"

11 1 0
                                    

Kabataan, kabataang ipinanganak sa modernong kapanahonan,
Na laging ginagawa ang nakikita sa kapaligiran,
Tila'y ibong uhaw sa kalayaan,
Masunod lang ang takbo ng kanyang isipan,

Kaibigang nagsisilbing impluwensya,
Sa mga bagay na hindi dapat ginagawa,
Kyuryusidad ang nag-uudyok na subukan, diba?
Na sa gagayahin kung ano ang makita sa iba,

Disiplina sa sarili, respeto ay nawawala na,
Dulot ng makabagong pamamaraan at teknolohiya,
Mga uso na halos lahat ay ginagawa ito,
Lalo na kung idolo ang nagiendoso,

Gabay at suporta ang pangunahing kailangan,
Lalo na sa ating mga kabataan,
Akayin sila sa tamang landasin,
Upang bansa ay maging maunlad din...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon