"Luhang Kristal"

5 1 0
                                    


Sidhi ng damdamin,
Nag-uudyok na ito'y aking sundin,
Pagsinta ko'y iyong damhin,
Pag-ibig ko'y sana suklian din,

Heto na nama't nanunubig,
Puso kong tanging ikaw ang pintig,
Matang puno na ng luha,
Kailan kaya matutuyo sinta,

Luhang ikaw ang naging dahilan,
Pagmamahalan na ating pinagsaluhan,
Ngunit puso mo'y naging salawahan,
Marami pala kaming nagmamay-ari niyan,

Pagdaloy ng sakit kailan kaya titigil?
Pati taghoy at hikbi'y 'di papigil,
Mga alaala ding napakasutil,
Hapdi at sakit ang pahiwatig ng bawat butil,

Luhang kristal na ikaw ang dahilan,
Sakit na 'di na malilimutan...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon