"Lahat ng Bagay ay May Dahilan"

28 5 0
                                    

Dedicated to klaratilla.

Kasabihang takot na akong pakinggan,
Na kung maaari'y matanggal sa aking isipan,
Dahilan upang puso'y ayaw ng buksan,
Takot na kasi ako sa aking pinagdaanan,

Lahat ng bagay ay may dahilan,
Mga salitang kanilang binitawan,
Pagkasambit ako'y nila'y iniwan,
Iniwan ng pangmatagalan,

Kaibigang aking iniingatan,
Kaya labis na nasaktan,
Na hanggang ngayon ay lugmok sa nakaraan,
Bakit kasi kailangan pang lumisan,

Sakit na nagmistulang punyal,
Punyal na nakatarak sa akin mahal,
Pagkakaibigang tuluyang nabuwal,
Hinagpis ang tanging usal,

Sana kung makanap ako ng bago,
'Wag niya sanang sabihin ito,
Baka kasi mangyari na naman,
At ito ang kinakatakot kong muling mapagdaanan,

Lahat ay may dahilan,
Kasabihang nagdulot ng takot sa akin hanggang sa kasalukuyan...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon