"Sugat na Hindi Nakikita"

15 4 0
                                    


Lagislis ng luha sa mata,
Sakit at lungkot ang bawat dala,
Habang buhay na pangarap ka,
Taong kasing-taas ng tala,

Pusong tumibok dahil sayo,
Tinik na nakatarak sa paligid nito,
Sayang ipinaramdam mo,
'Di mo naman sinabing pansamantala lang ito,

Sa tuwing nakikita kita,
Bumabalik sakin ang masalimuot na alaala,
Matagal ng nangyari iyon,
Ngunit parang sakit lang ng kahapon,

Dibdib kong sumasakit,
Umaga't gabing namimilipit,
Latigong paulit-ulit na humahagupit,
Tulad mong pilit kong winawaglit,

Donselya ng aking puso,
Nasaktan ng makamundong dulot mo,
Sisikaping hilumin, sakit iyong damhin,
Kapiraso nito'y susubukang pulutin,

Basag na puso'y pilit na bubuoin...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon