"Oras Na Hindi Maabot"

7 3 5
                                    

Dedicated to AerisScarlet.

Oras, minuto at segundo,
Mahal ko ikaw ang aking mundo,
Mundo kong umiikot lang para sayo,
Mahirap paniwalaan pero totoo,

Mahal kita, mahal mo siya,
Iyon ang pinagkaiba,
Ako ang una mong nakita,
Ngunit siya ang nagmamay-ari sayo sinta,

Oras na gusto kong pahintuin,
Upang halaga ko'y makita mo rin,
Bathala hiling ko'y iyong sundin,
Itigil ang oras at siya'y aking paiibigin,

Oras na hindi natin maabot,
Mga tuwid na 'di mabaluktot,
Puso kong ikaw ang hanap,
Na minsa'y 'di naman ako pinangarap,

Ano nga bang laban ko,
Sa pusong nagmamahalan ng totoo...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon