"Pagkakamali"

7 1 0
                                    


Hindi ako perpektong tao,
May kamalian din ako,
Nadadapa at minsan hindi na kayang tumayo,
Sa simpleng bagay na nagawa ko,

Hinusgahan mo na ang aking pagkatao,
Pinilit ko namang maging kaaya-aya sa paningin mo,
Ginawa lahat kahit ikakasakit ko,
Pero hindi ka parin nakontento,

Isang bagay na hindi ko ninais mangyari,
Isang simpleng pagkakamali,
Tiwala mo'y aking nabali,
Masasakit na salita ang namutawi,

Gusto kong bunawi,
Itama nang iyong maipagmalaki,
Naiintindihan mo ba ang aking sinasabi?
Hindi lang ako isang simpleng pagkakamali,

Na hindi lang ako isang pangyayari,
Na ang buhay ko ay hindi isang malaking pagsisisi...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon