"Bituing Kayhirap Abutin"

25 4 0
                                    


Sa madilim na kalangitan,
Talang tanglaw ang ilaw sa kadiliman,
Hangin na humahaplos sa aking kaibuturan,
Ngiting nakaukit sa aking isipan,

Dasal na hirap mapagbigyan,
Pangarap na malabong makamtan,
Mga pangakong walang kasiguraduhan,
Pagmamahal na nagsimula sa tinginan,

Dalagang ilap sa kalalakihan,
Binatang pihikan sa kababaihan,
Dalawang nilalang na pinagtagpo ng tadhana,
Pag-ibig kaya ang mabubuo sa dalawa?

Mula nang nagtama ang kanilang mga mata,
Paghanga ang nakita nila,
Tinginang nauwi sa pag-iibigan,
Pangmatagalan nga ba o pangmadalian,

Dumating ang araw, buwan at taon,
Nag-iba ang daloy ng panahon,
Pag-ibig na pinagsaluhan,
Nauwi lamang sa luhaan,

Bituing pinagkaloob sa akin,
Nawala nalang ng biglaan,
Hindi manlang napaghandaan,
Pagsintang nagdulot ng kalungkutan,

Dalagang nakatingala,
Habang patuloy na lumuluha,
Kalangitang nagsilbing aliw sa gabi,
Ay siya ring alaala ng kanyang pagkasawi,

O bituin, sinta kong kay hirap abutin,
Ang nasambit sa sarili,
Masakit sa damdamin,
Ngunit kaylangang tanggapin,

Ika'y hindi para sa akin,
Talang kahit sinuman ay gugustuhin,
Kaya hanggang nandito ang sakit ay patuloy na titingalain,
At luha'y patuloy na papawiin...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon