"Sinayang Mo"

12 2 0
                                    


Nagsimula sa pagcha-chat,
Hindi inaasahang makikilala ang lahat,
Kaya't pag-ibig iyong ipinagtapat,
Ngunit ang sakit ako pala'y hindi sapat,

Internet love ba't ba ako tinamaan?
Sanhi ng aking kahinaan,
Pag-ukit? 'Di na mangyayari,
Kung lulukohin lang muli,

Pinakilig pero hindi pinili,
Naghanap agad ng kahalili,
Wala akong matandaang pagkukulang ko,
Wala palang tayo pero naging totoo sayo,

Ipinakilala at ipinagyabang pa kita,
Hindi inaasahang gagagohin mo lang pala,
Ginto na naging bato pa,
Tao ako hindi robot tanga!

Paasa kang unitil ka,
Binulabog mo ang mundo kong mapayapa,
Kung sinabi mo pa no'ng una,
Sana hindi na ako umasa,

Hindi na ako masaya,
Na noo'y makausap ka lang okay na,
Ngayon naglaho na parang bula,
Kalungkutan na ang pumalit sa tuwa,

Saya'y unti-unting nalulusaw,
Tiwala'y tuluyan nang natunaw,
Marami kang reserba, diba?
Sige, malaya ka na,

Walang tayo pero parang ganon na nga,
Hindi tayo pero tinatapos ko na,
Ugnayan ay tutuldokan na,
Pasensya pero tama na,

Pinakawalan mo ang isang tulad ko,
Wala eh, sinayang mo...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon