"Hindi Na Ako Masaya"

4 2 0
                                    

Lugar kong saa'y minsan nang kanlungan,
Mga tao doo'y naging sandalan,
Kung saan nakatagpo ng totoong kaibigan,
Tumanggap sa akin sa aking kahinaan,

Naging masaya ang bawat sandali,
Araw-araw ako'y nakangiti,
Lugar kung saa'y walang pinipili,
Basta ika'y mabait at kawili-wili,

Hanggang sa hindi inaasahan,
Kaibigan na tinuring akong kalaban,
Kinaibigan para sa pansariling kagustuhan,
Sanhi upang dating sigla'y biglang nawalan,

Hindi na ako masaya,
Masakit, alam mo ba?
Impostor ka palang impakta ka,
Hindi kana nakuntento, nanira ka pa,

Maganda ka pero mapagbalat-kayo ka,
Hayok ka sa kasikatan hindi ba?
Hindi ako makapaniwala na nagawa mo,
Kakaiba pala ang iyong pagkatao,

Masaya parin ako na nakilala kita,
Masakit nga lang ang iniwan mong alaala...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon