"Pusong Dehado"

15 3 0
                                    

Magmula nang makilala kita,
Puso'y wari'y kabayong nangangarera,
Tibok na parang naglakbay ng ilang milya,
Na tanging ang sinisigaw ay ikaw, sinta,

Mga matatamis mong ngiti na 'di makalimutan,
Tinig mong kaysarap pakinggan,
Umaasang pag-ibig ay matugunan,
Kahit alam kong sa simula palang ay lokohan,

Una palang kasi ay sakanya ka na,
Kahit ako naman ang iyong unan t'wing lumuluha,
Lungkot na dahil sa kanya,
At pag-ibig na ako lang ang nakakadama,

Ano nga bang laban ko?
Kung sa simula't sapol ay ako ang dehado,
Siya ang mahal mo,
Samantalang kaibigan mo lang ako,

Tama ako diba?
Kahit anong pagpapapansin ang gawin ko,
Siya parin ang laman ng puso mo,
Masakit man pero totoo,

Pilit na lilimutin ang nararamdaman,
Dehadong puso'y unti-unti nang lulunasan...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon