"Iyak Na Walang Tunog"

12 1 0
                                    

Hindi porket nakangiti ay masaya na,
'Di porket tumatawa ay wala ng problema,
Iyan naman ang tingin mo sa kanya, diba?
Lagi mo kasi siyang nakikitang masaya kaya kala mo okay siya,

Ngunit sa bawat halakhak na maririnig,
Ay iyak na nakakubli lang sa pandinig,
Iyak na walang tunog,
Sakit na nararamdama'y malapit nang sumabog,

Durog na durog na siya,
Hindi mo lang nakikita,
Wala ka kasing pakialam sa kanya,
Palibhasa kilala mo lang 'pag may kailangan ka,

Tao siya may nararamdaman,
Sana naman iyo din siyang pahalagahan,
'Wag hintayin ang araw na ikaw ay kanyang iwan,
Dahil 'pag nangyari 'yon ay lubos kang masasaktan,

Napupuno din kasi yan,
Katulad mo ding nasasaktan,
Nalulungkot at nahihirpan,
Ito na ang panahon na ika'y maging sandalan,

Dahil 'di ka na makakahanap ng tulad niya...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon