"Takipsilim ng Kahapon"

16 4 0
                                    


Kasarinlan ng kahapon,
Binago ng agos ng panahon,
Dugtong ng kabanata,
Natuldukan na nga ba?

Laro't mga balakid,
Dulot ng utak na makitid,
Bugso ng damdamin,
Kayhirap kalabanin,

Mga ibon sa parang,
Animo'y pahiwatig ng hadlang,
Sinta kong hinirang,
Pag-ibig kong 'di mabilang,

Tunay nga bang natagpuan kita?
O pahiwatig lang ng laro ni tadhana,
Ngunit no'ng araw na maglaho ka,
Hinakdal ang aking nadama...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon