"Kung Akin Ka Lang"

61 7 0
                                    

Dedicated to Mitchi_Range.

Makulimlim na kalangitan,
Tila nagbabadyang umulan,
Madilim na kapaligiran,
Hango sa aking nararamdaman,

Tumayo ako mula sa aking upuan,
Nang matanaw ko ang sanhi ng aking kalungkutan,
Makitang naghahabol sa taong may mahal ng iba,
Kahit nandito lang ako naghihintay na mapansin niya,

Ilang hakbang lang ang ating pagitan,
Sa katunayan nandito lang ako sa iyong likuran,
Handang masaktan para sayo,
'Yon nga lang hindi naman ako ang iyong gusto,

Alam mo bang tuwing nasasaktan ka ay ganon din ako?
Hindi mo lang alam dahil hindi ka naman interesado,
Magkalayo ang agwat namin aaminin ko,
Itsura palang alam kong pasado na siya sayo,

Pasensya na eto lang ang meron ako,
Pusong nagmamahal sayo ng totoo,
Hindi mo sana mararanasan ang magdusa ngayon,
Pero hindi ko hawak ang iyong puso't desisyon,

Kung sana,
Kung sana lang,
Kung akin ka lang...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon