Sa mundo ng taong mapanghusga,
Na mga taong kapintasan mo lang ang nakikita,
Na tila lahat ng galaw mo ay inaabangan nila,
Pamimintas ng bibig, tenga at pares na mata,Kaya'y pagbabalat-kayo'y 'di maiiwasan,
Para lumayo sa mga taong hindi mapagkakatiwalaan,
Upang sarili mo'y maiwasang masaktan,
Nang ikaw ay hindi pagkaisahan,Malimit akong makihalubilo,
Dahil sa mga ugaling pinapakita ng mga tao,
Mga taong nakakalimutan na ang respeto,
At masahol na pagtrato sa kapwa-tao,Kolorete ang naging proteksyon ko,
Nang hindi nila makita ang totoong ako,
Mga kulay na nagsilbing taguan ng sarili,
Reputasyon na itinanim ng mga itim na budhi,Bayaran, mababang-lipad at malandi,
Mga salitang nakakasira ng puri,
Salitang bansag nila sa aking sarili,
Dahil ang nakikita nila'y aking pagkakamali,Ngunit lahat ay walang katotohanan,
Mga salita nila'y walang kabuluhan,
Kolorete'y gamit ko sa pagtago ng aking karamdaman,
Upang 'di makita ang namumutlang katawan,Na sa bagay lamang na ito,
Mailihim ko ang totoong ako,
Ang babaeng malapit ng mawala sa mundo,
Na maging masaya manlang sa mga huling minuto,Buhay na walang kakulay-kulay,
Buhay na tinamasa lang ay lumbay,
Mga matang malapit nang mamungay,
Mga paa'y malapit nang magpantay,Koloreteng naging sanhi ng panghuhusga,
Bagay na maging panago kahit sa huling hininga,
Babaeng may kolorete sa mukha,
Hinding-hindi na muling makikita...
BINABASA MO ANG
Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]
Poetry#Plagiarism is a crime Panahon na ang lumipas, Ngunit nandito parin ang poo't hinagpis, Puso kong nalugmok sa nakaraan, Hanggang ngayon nahihirapan parin sa kasalukuyan, Ang dagtang mayroon ako, Ay sakit na ipinaradam mo, Gusto mo bang lumuha sa sak...