"Tapos Na"

15 3 0
                                    


Alam mo bang hinintay kita?
Kahit alam kong malabo nang bumalik ka,
Lumipas na ang buwan at taon,
Yong pangako mong babalik ka tuluyan mo ng binaon,

Ayos lang naman kung hindi mo na ako balikan,
Pero sana 'di ka nagbitaw ng pangakong iyong kakalimutan,
Pinaghintay mo lang ako sa wala,
Kasi nandito ako umaasang babalik ka,

Naalala mo no'ng nasa ikalawang grado tayo?
Bituka'y magkadugtong at talagang kapit-tuko,
Mga araw na ako lang ang kasama mo,
Una palang alam kong may nararamdaman na 'ko sayo,

Kahit mahirap kinalimutan ko,
Kasi baka dahil dito layuan mo ako,
Madali lang akong mapalapit sa isang tao,
Kumbaga isa kana sa mga tinutukoy ko,

Sampong taong mahigit na paghihintay,
Siguro naman sapat na iyon bilang patunay,
Napapagod rin naman kasi ako,
Paano naman ang puso ko?

Pasensya na pero ayuko na,
Walang tayo pero tutuldukan ko na,
Pahina ng kwento nating dalawa,
Isasarado ko na dahil tapos na...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon