"Salamin"

12 1 0
                                    


Salamin, salamin,
Kahit saan tumingin,
Ang babae sa salamin sa akin nakatingin,
Ano kaya ako sa kanyang paningin,

Sa apat na sulok ng kwarto,
Malawak ngunit tila nakakasulasok ang espasyo,
Babaeng nakaupo sa harap ng salamin,
Binabasa kung sino ang babaeng nakatingin,

Babaeng tinakasan ng damdamin,
Dilag na walang buhay ang masasalamin,
Hindi niya nakikilala ang kanyang pinagmamasdan,
Bakit ba sila nagtititigan?

Nangangayayat na katawan,
Sigla na sa simula ay tila pinagkaitan,
Kalungkutan ang makikita sa babaeng nasa harapan,
Pinagkaitan nang maranasan ang kaligayahan,

Sino ka ba?
Bakit hindi kita nakikilala?
Ibalik mo ang dating siya,
Mahabag ka hindi na niya kaya,

Sino na ang babaeng iyan?
Ayuko na siyang titigan,
Pakisabi sa kanya,
Bumalik na siya,

Napapagod na kasi akong maging siya,
Saan ba ako magsisimula,
Na bigyang gaan ang kanyang presensya,
Na buhayin ang kanyang diwa,

Ang babae sa salamin,
Ang babae sa aking paningin,
At ako ay iisa,
Nakakawindang pero ako nga pala,

Ang babaeng iyan na hindi ko nakikilala,
Ang dilag na nakakulong sa hawla,
Na nais nang makawala,
Kasi sa totoo lang pagod na pagod na siya,

Ang kahilingan ng babaeng nakikita,
Ay bumalik ang dati at maging masaya...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon