"Mahal Kita Noon, Hindi Na Ngayon"

11 1 0
                                    


Mahal pinaranas mo sa'kin kung paano sumaya,
Buhay kong malungkot pinunan mo ng tuwa,
Mga tawa, halakhak na nakakahalina,
Ikaw at ako sa ating mga alaala,

Alam mo ba, akala ko ikaw na,
Pinaniwala mo kasi ako, sinta
Na ako na at wala ng iba,
Pero panlilinlang mo lang pala,

Sana, sana hindi nalang kita nakilala,
Bakit ba natagpuan pa kita,
Sana nakinig nalang ako sa sinasabi nila,
Na mapagbalatkayo ka, manloloka ka!

Itaga mo sa bato,
Hindi mo na ako maloloko,
Wala ka nang babalikan pa,
Kundi mga alaalang matagal nang nabura,

Dahil mahal kita noon,
At hindi na ngayon...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon