"Eto Lang Kasi Ako"

18 2 0
                                    


Babaeng hindi kagandahan,
Babaeng walang hubog ng katawan,
'Yong laging pinagtatawanan,
At malabong magustuhan,

Minsan natatanong niya sa sarili,
Ako ba talaga'y kamuhi-muhi?
Dahil ba sa itsurang hindi kawili-wili?
Kaya ni minsan ay hindi naranasang mapili,

Nahihiyang makipagkaibigan,
Dahil sa huli baka ipagtabuyan,
Aalimpustahin at aalipinin lang diyan,
Tao din sila may nararamdaman,

Sa halip na damayan mo,
Sinaktan mo lang 'yong tao,
Tandaan mong katawan lang ang lumubo,
'Pag pumayat 'yan pagsisisihan mo,

Pasensya na kung wala sakin ang hinahanap mo,
Eto lang kasi ako,
Babaeng hindi perpekto,
At babaeng malabong magustuhan mo...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon