"Salamat Sinta"

37 5 0
                                    

Dedicated to Jalexhile.

Sa ilang milyong tao sa mundo,
Ako ang napili mo,
Samahang higit pa sa pagkakaibigan,
Talagang 'di ko makakalimutan,

Tawa mong kaysarap pakinggan,
Ngiti mong nakakapagpakilig sa aking bunbunan,
Malarosas mong labi na gusto kong halikan,
At mata mong kakakaiba at nakakaaliw na titigan,

Nasanay na ikaw ang kasama sa araw-araw,
Dumating ka sa buhay ko na parang bulalakaw,
Dahil puso't isip ko ay iyo nang sinaklaw,
Na ang bukambibig ay tanging ikaw,

Ngunit makalipas ang ilang sandali,
Kalian kaya mararanasang muli,
Na makasama ka dito sa aking tabi?
Dahil presensya mo lang ang aking minimithi,

Pero mundo ko'y tila gusaling nalugmok sa lupa,
Nang sabibin nilang ika'y pumanaw na,
Hindi ka manlang nagpaalam sa akin,
Paano na ang ating mga mithiin?

Kahit na ganon nagpapasalamat parin ako,
Sa mga ala-ala na nakatatak na sa puso't isip ko,
Sinta ko paalam na ha,
Dahil dito na talaga ang wakas nating dalawa...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon