"Walang Kabuluhan"

10 2 0
                                    


Sa mundong mapanghusga,
Na mali mo lang ang nakikita,
Gagawa ka ng ikabubuti nila,
Ngunit sa paningin nila masama,

Ganto na ba ako kawalang-kwenta?
Ginawa ko naman ang lahat diba?
Hindi parin ba sapat ang aking pagdurusa?
Ano! Masaya ka na?

Inutil lang ako sa paningin mo,
Kumbaga ligaw lang na damo,
Masakit mang tanggapin pero oo,
Eto lang kasi ako,

Babaeng walang talento,
Sakit lang sa ulo mo,
Walang kwentang nilalang sa mundo,
Hayaan mo na 'ko,

Sisiguraduhin kong hahanapin mo din ako,
Pero sa oras nga lang na wala na 'ko...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon