"Huli Na"

9 1 0
                                    

Ma, miss na miss na kita,
Ma, balik ka na,
Pramis, magiging mabait na ako,
'Di ko na pasasakitin ang ulo mo,

Ang daya mo naman kasi,
Bakit hindi mo sinabi?
Bakit kasi ang tanga-tanga ko?
Pinairal ang tampo at galit sa puso,

Hindi manlang naisip ang mga sakripisyo mo,
Lumayo para makapagtrabaho,
Maibigay ang gusto at mapaaral ako,
Isa kasi akong malaking gago,

Ma, Mama ko,
Bakit ang daya-daya mo?
Sabi mo hindi ka na aalis,
Pero ang paglisan mo ay kaybilis,

Kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat,
Kaya itong sakit ay nararapat,
Sa iyong huling hantungan,
Hantungan na aking naging kanlungan,

Ma, mahal kita,
Pero, Huli na...

Tinta ng Dagtang Mapanakit [Tagalog Poems]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon