Dream 1:

733 12 7
                                    

Tour Guide

"Hoy, C. Ibalik mo iyang scarf a? Kailangan ko 'yan sa next sabado." sabi ng bestfriend ko habang pinapanood ako.

Umirap ako. Walangya 'tong babaeng 'to, anong kala niya sakin tulad niya?

"K. Kala mo naman hindi ko ibabalik, che."

"Sungit mo, fhudge."

Muli ay umikot ang mata ko. Paano ba namang hindi eh, konti nalang masusugod ko na sa Korea si squidward! Nakakainis! Hindi niya manlang ako sinabihang pupunta sila ng Jeju. May assignment kasi ako doon. Ako lang tuloy ang pupunta. Imbis na may kasama ako ay nawala pa, kung kailan na sila nakabalik sa Seoul ay saka ako kinuwentuhan!

"Basta mga wednesday nandito na ko." nakanguso akong tumingin sa kanya. "Hindi ka ba talaga pwede?"

Napa-poker face siya. "Bale.. ilang beses ko iyan maririnig?"

"Kasi naman, baka pwede ka? Saka ipapaalam naman kita sa boss mo."

"C, alam mo namang ilang linggo palang ako doon. Nakakahiyang umabsent agad."

Napapadyak nalang ako. Bakit kasi hindi sila pwede lahat?! Bonding na rin kaya 'yon!

"Tumatawag si Brit."

Umupo ako sa dulo ang kama niya at nakangusong pinagpatuloy ang pagtitiklop ang mga scarf, jackets, sweater na ipapahiram niya sakin. Of course, she's a half Korean.. siya na ang nilapitan ko sa mga ganito. Kesa naman bumili pa ko. Kada dalawang buwan kasi ay nasa Seoul siya, of course to have her connection to her father.

"Nandito si C. Yes.. ok.. ye-" at umirap nang pagkadrama-drama. Natawa ako. "Kailan ba iyan?" humalakhak siya. Tumingin siya sakin at tinaas pa ang dalawang kilay habang nagpipigil ng tawa. Lumapit siya at ini-loud speaker.

[Grabe ka Shin! Ilang taon na tayong magkaibigan hindi mo pa rin alam ang birthday ko.] bulyaw ng isa pang pinakamalapit na kaibigan.

"Eh hindi ko matandaan e.." kumindat siya sakin, napailing nalang ako.

[Waaa! I hate you! You're so.. so.. so..!]

"Aba, alien language ka nanaman." singit ko.

[Uwaaa! OMG!] tili niya sa kabilang linya. Alam niya sigurong ako ang nagsalita, dalawang beses pa lang kasi kami nagkikita niyan simula ng magbalik ako galing Davao. [Who's that?]

Nakangiwi kaming nagkatinginan ni Shin. "Kahit kailan ka talagang alien ka!" singhal ko.

Humalakhak siya. [Joke lang sissy. I miss you. When ba na pwede tayong magkita-kita? I'm so kating-kati na makita ka ulit sissy!]

"Pa'no niyaya sa Korea ayaw."

Narinig ko ang buntong hininga niya. [You know how Hans is so possessive right? I don't want to argue with him again. Sorry sissy.]

"Psh. Batukan ko pa 'yang Hans na iyan e."

"Hap ka Brit. Nagpapa-under ka!" singit naman ni Shin.

[No. I'm just natatakot lang na awayin niya nanaman ako.]

Bumuntong hininga ako. Wala na talagang pag-asa. "O sige na. Apology accepted. Basta ba siguraduhin niyong sa huli hindi kayo ang magkakatuluyan ha!" sinabayan ko iyon ng paghalakhak.

Narinig namin ang protesta niya. Aba! Mahal na mahal Brit?

Pagkatapos ay ibinaba niya na rin dahil nasa baba na daw nila ang prinsipe niya at inaantay na siya. Akalain mong magiging loveteam 'yong dalawang 'yon.

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon