Dream 37

167 5 2
                                    

Rose


Nangyari ang mga sumunod na araw. Nagipit nang kaunti sa school dahil ilang buwan nalang ay graduation na. Busy ang lahat sa mga requirements na pinapagawa. Nag-usap kami ni squidward isang araw.


"Bruhang, Shontelle iyon."


Ngumuso ako at tinatya ang timpla niya. "N-nagtanong kasi ako."


Masungit siyang humarap sakin. "Bakit hindi ka nalang sakin nagpakuwento?"


"Eh, dire-diretso ka kaya sa kwarto mo."


Umirap siya. "Inantay kitang pumasok, gaga."


Hanggang ngayon hindi ko malaman kung paanong magre-react. Habang nagku-kwento siya ay ramdam na ramdam ko ang pighati niya dahil bawat salitang binibitawan niya ay nag-iigting ang panga niya. May pagkakataon ding mamumula ang gilid ng mata niya ngunit bigla nalang siyang magsasabi ng light words at tatawa. That time, seeing her trying her best to look ok, made my mind to be like her. Gusto siyang gayahin. Dati hindi ko masyadong pinapansin ang mga expression niya but now, look at me... imitating her. Ngayon, medyo naging open kami sa isa't-isa... medyo lang dahil hindi pa rin naman nawawala ang payabangan namin. Pero iyon pa ang nagiging dahilan kung bakit kami nagkakaroon ng time sa isa't-isa.


Pero hindi ko sasabihing kami ni Vinn...


"Sissy!" napitlag ako. "You're so, so, so..." umirap ako tumawa naman siya. "Is there problem ba?"


"C... asan ba si Vinn?"


Nilingon ko ang barkada at ang mga babae ay hindi maalis sakin ang paningin, naghihintay ng kasagutan. Ang boys, kanya-kanya ng gawain. But I can feel it, they know where the hell is Vinn right now!


Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko."


"Nag-away ba kayo?"


"Why is he making absents na? He is so bugoks talaga, kung kailan we were malapit ng mag-graduate, doon pa nag-missing in action!"


Lumingon muli ako sa boys ngunit parang mga wala silang naririnig. Mga patay malisya. In my peripheral vision, Asia's investigative eyes looking straight in me. Hindi ko iyon pinapansin dahil sobrang maiiyak na ko! Pagkatapos ng eksenang iyon sa simbahan naging maayos naman kami ng ilang linggo ngunit biglang hindi na siya pumasok. Pagkatapos ay wala na-hanggang ngayon. I'd try my best to contact him. Pero talagang ayaw niyang sagutin ng kahit mura ang mga text at tawag ko. I really tried to reach him out!


"Huwag na muna ngayon. Ihahatid nalang kita sa pag-uwi-


"No! We will talk!"


Nakakunot ang noo niyang tumingin sakin. He sighed. "We will. But not now, baby."


Iyan ang huling pag-uusap namin pagkatapos ay hindi na siya pumasok. May mga gabi ring umiyak na ko at ngumalngal sa phone kausap si Shin. Hindi ko ma-gets, sinabihan ba siya ng kuya niya na huwag na kong kausapin at huwag ng makipagkita. I miss him... so much!

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon