Dream 15

177 6 1
                                    

Buenavidez

Tahimik kaming nakarating sa tapat ng bahay este sa tapat ng bahay ng malayo naming kapitbahay. Dalawang bahay lang naman ang pagitan ng bahay namin kung saan niya ako ibinaba. Baka kung sa mismong tapat ng bahay niya ako ibinaba ay baka maglabas bigla ng deka libreng baril ang nanay ko at matuto pa siyang bumaril ng wala sa oras! Si mama talaga, dahil OA siya. Ipinilit niya pa iyon pero hindi talaga pwede, dahil iba ang isip nu'n nila, lalo na ang mga tsismosang kapitbahay na walang ginawa sa mag-hapon kundi ang tsumismis habang may pinapadede pang mga anak nila!

Basa ang buhok niya dahil medyo lumakas pa ang ambon pagkaalis namin kanina at nasa akin ang helmet niya. Ramdam kong gusto na niyang bilisan ang takbo namin ngunit nag-aalangan siya dahil kasama niya ako. Ginulo niya pa ang buhok na para bang mapapatuyo niya iyon sa ganoong paraan.

At hindi ako ang unang kakausap sa kanya, noh...

I stepped out to his motorcycle and tried to say thank you but I just bowed my head. Tinanggal ko na rin ang helmet niya at saka inabot sa kanya ang puting bimpo niya.

Umirap siya at kinuha iyon. "Thank you ha.."

"Welcome.." I mimicked his sarcastic voice.

Muling umikot ang paningin niya at pumadyak na upang makaalis na, pinagmasdan ko lang siya. Kumunot ang noo ko nang hindi siya makaandar-andar kahit alam ko namang walang sira iyon o ano, basta padyak lang siya ng pandyak. Tinignan ko siya at nakitang nakanguso siyang nakatingin sakin.

"What?" nakangiwi kong sabi sa kanya dahil mariin ang pagkakatitig niya.

Pinaglapat niya ng maigi ang mga labi at saka.. "Sorna.."

Ngumiwi ako. "Ano?"

Bumuga naman siya ng hangin at tumingin-tingin pa sa paligid na para bang konting pitik nalang sa kanya ay babanggain na niya ako.

Muli siyang tumingin sakin. "Sorry na." tumaas ang kilay ko. "Tch. Ang saya mo talaga kausap." muli siyang pumadyak ngunit hinawakan ko ang braso niya. He halted, looking in my hand while furrowing his perfect eyebrows and then paused into my eyes.

Lumunok ako. "Ano nga 'yun ulit?"

Mas lalo siyang sumimangot. "Bingi, amputik."

"Wag kang bumulong dahil naririnig ko, gago."

"Tch. Pumasok ka na nga sa bahay niyo. Ambingi nito! Sinabi na ngang sorry gusto pa paulit-ulit!"

Napangiti ako sa pagmamaktol niya. "Ano? Hindi ko narinig." inilapit ko pa ang tenga sa kanya.

"Wag mo kong inisin."

"Isa nalang. Ano ulit?" ngising asong sabi ko.

"Kapag inulit ko. Makakaisa rin ako sa'yo. I'm ready for my first base.."

Bahagya akong lumayo sa kanya habang nanlalaki ang mga mata. "Lumayas ka na ngang kulugo ka!"

Narinig ko pa ang halakhak niya tanda ng tagumpay niya habang nagmamadali akong makaalis dahil baka hanggang doon ay ramdam niya ang pag-iinit ng mukha ko! Impaktong damuhong iyon! Bakit ba ganun ang pag-uugali nu'n?

Saglit lang akong naligo at pagkatapos magpalit ng damit ay lumabas na ako ng kwarto. Naamoy ko nanaman ang mga pang-banyagang pagkain kaya agad akong pumunta sa kusina at nadatnan doon si papa. Naramdaman niya ang presensiya ko kaya lumingon siya sakin.

"Gusto mo sumama?"

Kunot-noong tumingin ako sa kanya habang nadidiring iniiksamin ang nasa hapag. "Saan, pa? Ano 'to.. bakit ang sama ng itsura?"

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon