Basted
Dumating ngunit mabilis na lumipas ang mga araw. Nasa library kami at ginagawa ang assignment para bukas dahil.. well, minsan lang po kami sipagin except boys. Hindi namin malaman kung nasaan silang lahat, nung uwian ay nawala nalang sila.
"Ugh! That lalaki talaga! I will sapok his mukha na talaga. Kanina pa ko naghihintay ng reply niya!" muli nanamang sabi ni Brit habang muling tinitigan ang screen.
"Baka naman busy sila. Wala rin ang iba e,"
"Naku, Asia. Parang hindi mo naman kilala 'yan si Britney. Masyado." Ani Yhen.
"Text mo nga si Vinn, C."
Nilingon ko si Asia. "Bakit ako?"
Ngumiti siya sakin. "Baka sakaling magreply."
Napalunok ako at hindi ko iyon ipinahalata kay Asia na may mala-imbestigador nanamang mata. Nag-iwas ako ng tingin habang inaalala ang mga nangyari matapos noong pag-uusap namin nung gabi.
We've been dating.
Yes! We're dating but not exclusively. Ako ang humiling na 'wag na muna naming ipagsabi kahit kanino o ipakita. Hell, natatakot pa rin ako sa possibility na may makakakita saming kapitbahay at magsumbong kay mama sa tuwing itatakas niya ko sa bahay. Pati kay squidward ay hindi ko sinabi, mahirap na. Ni hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag lumabas kasama siya.
"Edi sige. Dito nalang ako sa bahay niyo manliligaw.."
Iyan ang lagi niyang panakot kapag tina-try kong huminde sa twing magyayaya siya. Syempre nakakatakot din ma-interrogate no, kaya hindi ako pumayag. Hindi pa kasi umaalis ng bansa si papa kaya may pagkakataon pa siyang makilala si Vinn kung sakali. Kahit naman paganun-ganun 'yun mas malupit pa 'yun sa mama ko kapag kami na ang pinag-uusapan.
Pero sa mga araw na magkasama kami ay unti-unti ko siyang nakikilala. Lahat, kahit ang mga kababuyang lumalabas sa bibig niya. He's being natural, I think. Pero sa kabila nun, I found out myself na na-aappreciate ko siya lalo kapag ganun. Iyong kahit balahura na siya mas natutuwa pa ko.. I dunno I just felt something here na masaya ako kapag kasama ko siya.
"Eh, paano na ko uuwi!" rinig kong atungal ni Brit.
"Edi sumabay ka samin!"
"Ikaw talagang, Dollar ka! hmp. You're so, so, so...!"
Kinuha ko ang cellphone at nag-dial. Nakakabwisit na ang bunganga ni Britney! Nilagay ko sa tenga at pinakinggan itong mag-ring. I'm calling Vinn. Napatingin sakin si Asia at hindi nawala ang mapanuri niyang mga mata. Patuloy lang ito sa pag-ring at nabuhayan ako ng marinig ko ang sign na may tao na sa kabilang linya. I'm about to speak pero naputol iyon ng marinig ko ang pagbaba ng tawag.
What the heck?!...
Tinignan ko ang screen at nakita kung gaanong kabilis lang ang tawagan namin. Nakangiwi ako at umakyat ang inis sa buong mukha ko! Lintik na lalaking iyon, binabaan ako?! Dinial ko ulit ang number niya at halos lumubog ang screen ko sa ginawa. Gigil akong napatingin kay Asia nang hawakan niya ang braso ko. Umiling nalang ako at hinintay ang muling pagsagot niya.
The subscriber cannot be reach. Please try again later. The subscri-
Pinatay ko na. Ang lakas ng loob na patayan pa ko ng telepono?! Lagot sakin 'yun bukas!
"C?"
Padarag kong hinagis sa mesa ang cellphone ko. "Ayaw talaga nilang sabihin kung nasaan sila!"
"You make tawag sa kanila, sissy?!"
"Oo!" nagulat sila sa pagsigaw ko, pati iilang estudyante ay napatingin sakin. Buti nalang hindi ako napagalitan. This is library, for pete's sake! "Kaya 'wag ka nang mag-inarte dyan!"
Tumahimik sila kaya muli ko na lang pinansin ang ginagawa kanina pero wala na kong gana dahil badtrip nanaman ako. Sinabi ko sa kanya na ayaw na ayaw kong hindi sinasagot 'yung mga tawag o text ko dahil malilintikan talaga siya. Baka naman nagsawa na siya? Napagod? Psh, bahala sya. Basted na siya!
"Wait, natawag si Paul.." ani Yhen ngunit hindi ko na inintindi.. naiinis ako! kung ano man ang pinaggagagawa niya, bahala na siya!
Lumayo si Yhen. Tahimik lang kaming tatlo ngunit nakikita kong matapos akong tignan ni Asia ay umiiling siya. May alam na ba 'to? Psh, pwes ngayon wala na. Ilang saglit pa ay bumalik si Yhen na masaya.
"Girls. Punta daw tayo sa studio nila. Nandun pala ang mga loko at sinama pa si Keane. Tara-tara.." sabay ligpit sa mga gamit niya.
"Hindi ako sasama."
"What? Eh kailangan daw kasama lahat? I think may ipapagawa sila sa atin dahil rush ang boses ni Paul e."
"Ano daw 'yon?" tanong ni Asia habang isinusukbit ang bag.
Nagkibit-balikat si Yhen. "Kaya pumunta na tayo. Mag-jeep nalang tayo. Sila naman daw magbabayad e.." hinila na ko patayo ni Yhen. "Bilis na, C."
Wala na kong nagawa dahil sila na mismo ang nagligpit ng gamit ko. Ultimo pag-suot sakin ng bag ay pwersado nilang ginawa. Agad kaming sumakay. Sa totoo lang first time naming pumunta sa studio nila dahil hindi naman nila kami pinapayagang pumunta doon, ngayon lang talaga. Kaya medyo na-excite din ako. Hindi ko nalang siya papansinin kapag nandoon na kami. Nakarating naman kami agad dahil medyo mabilis si manong.
Pagbaba namin ay nakita namin sina Rick at Hans na naka-abang sa kanto na ngiting-ngiti. Umatungal nanaman si Brit kaya ang tatawa-tawang boyfriend ay nagpaka-sweet sa harap namin! Sipain ko kaya silang pareho?!
"Tara, tara. Bilisan niyo baka may naihi na doon." Sabay halakhak ni Rick. "Hans, text mo sila doon na andito na sila para mas exciting.." sabay tingin sakin. "Hahahahahahaha!"
Problema nito?..
Hindi ko nalang iyon pinansin at naglakad pa kami ng ilang minuto bago makarating doon. Panay ang usap nila Rick at Hans. Hindi namin iyon maintindihan dahil pagkatapos ng ilang salita ay tatawa na sila na parang kawala, ni hindi pa natatapos ang sinasabi ay bibirahan na ng tawa. Mga baliw!
Nasa tapat na kami nang pinto at nang bubuksan na ni Rick ang pinto ay tumigil siya. Nilingon niya si Hans at may ibinulong. Tumango si Hans at inakay ang girlfriend papasok. Susunod na sana kami ng pigilan kami ni Rick.
"Hep." Tumingin siya kay Yhen. "Kahit no pets allowed dito.. papayagan kitang puma-
"Letche ka!"
Humalakhak si Rick. "Pasok na!" kumunot ang noo ko dahil maliit lang ang bukas niya sa pintuan. "Asia, pasok ka na. Iwan natin si CM dito."
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."