It's my fault.
Sari-saring emosyon at lalo akong nalulunod sa pagsisisi sa mga ginawa ko noon. Sinabi sakin lahat ni Yanpree ang mga nangyari nung mga buwang hindi nagpakita si Vinn. Kasabay ng pagiging magulo sa pagkatao ng pamangkin niya ay ganun nalang rin ang pagguho ng kuya niya at ng pamilya nito.
His brother. Yung asawa ng kuya niya. At lalo na ang pamangkin niya, pamilya niya iyon kaya nawala na rin siya sa direksyon. Sinabi niya sakin kung paanong hinanap ni Vinn ang sarili dahil maging ito ay sobrang apektado. Yeah, I remember how much he loves his niece. Kaya siguradong siya rin ay mawawala. But he should've told me! Wala akong magagawa but then I can be his shoulder. Pero hindi talaga siguro ako ganoon ka lakas sa kanya. Imbis na isipin niyang pwede niya akong maging kuhanan ng lakas mas pinili niya pang lumayo kaya mas lalo siyang humina-nadamay pa ako.
"Wasak na nga 'yung tao. Winasak mo pa."
"Kung ikaw ba nasa ganung sitwasyon, anong gagawin mo?" wala sa sarili kong tanong. Ipinaliwanag ko rin sa kanya ang tumakbo sa isip ko nung mga panahon na iyon.
Narinig ko ang paghinga niya. "Magagalit ako."
Tumingin ako sa kanya. "Then what I does is right." kahit papaano ay dapat ko ring ipagtanggol ang sarili ko. Nasaktan lang rin ako.
Ngumisi siya. "I said magagalit ako. Hindi ko sinabing hihiwalayan ko siya."
Napatigil ako ngunit malabo pa rin sakin. Alam ko may kasalanan din ako, pero ako lang ba ang dapat sisihin? We have our own reasons to live. At ngayong pinili kong mabuhay ng ilang taong hindi siya kasama, masama? "Masama ba talaga ako?" nangilid ang luha ko.
"Let's say. Yes." di makapaniwalang tumingin ako sa kanya. "You chose to drop him like a whatever instead of asking. Being bad is an option. But sometimes, dahil sa mga naranasan o naramdaman natin, we want it even."
Napabuntong hininga ako, kuha ko ang mga sinasabi niya. It's my fault. "Sorry dahil nadamay ka pa sa galit ko."
Tumawa siya. "Matagal na kong damay. Unang tapak ko palang sa school natin, damay na ko."
Nagtagal pa kami ng ilang minuto doon ng walang nagsasalita. Hindi ko maitangging nahihiya na akong maramdaman niya pa ang presensiya ko pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko para tumayo at umalis. Nanghihina ang tuhod ko.
"Is he here?" nilingon ko siya. "Vinn. Is he going here?"
Napanguso ako. "Hindi siguro. Malamang alam niyang nandito ako. Hindi 'yun pupunta."
Ngumiti nanaman siya. "Hmm.."
Muli kaming tumahimik at nabasag nalang 'yun ng mag-ring ang cellphone ko.
Tumatawag si Brit.
"Ye-
[Where are you?!]
"Kalma ka naman. Andito lang ako sa likod ng bahay niyo!"
[Oh-ah. Why? You should make sabi to me. They're all here.]
Kumabog ang dibdib ko sa di malamang dahilan. "K-kasama ko si Yanne.."
Close na kami e, bakit ba...
Natahimik siya ngunit nakabawi agad. [W-what!? Are you fool?! I'll make punta diyan. I'm gonna sabunot 'yang babaeng iyan. Wait me there-
"Brit!" napatigil naman siya sa hysterical niya. "Tumigil ka nga. I'll explain later. We will be there."
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."