I'm willing
Nagdaan ang weekends na wala akong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto ay kumain. Si papa kasi ay walang ginawa kundi ang magluto ng kung ano kaya sayang naman kung hindi kakainin. Gusto ko sanang imbitahan sina Shin at Brit pati na rin sina Yhen at Asia ngunit naisip kong matutunugan iyon ng mga barako kaya 'wag nalang.
Nakikita ko ring busy si squidward sa sala kaya siguro walang panahon mang-asar. Kaya ako naman ang papalit sa trabaho niya *insert evil laugh here.*
"Ano ka ba!" galit niyang sabi ng magkalat ang mga papel niya sa sahig dahil binuksan ko ang electric fan at talagang itinapat iyon sa kanya.
"Oops, sorry." pigil tawa kong pinindot ang buton upang umikot ang electric fan.
"Calei Mheeeeeeer!"
Lalo nagkalat ang mga papel dahil nga umiikot na ito. Pigil tawa ko namang ini-steady iyong muli. Masama na ang titig niya sakin ngunit iyon pa ang mas nakapagpasaya sakin. I'm so bad. Ganyan naman din siya, kung kailan sapian doon nangti-trip.
Sabay kaming pumasok ni Shin nang dumating ang lunes. Kahit iba ang school niya, pareho ang dadaanan namin. Tinawagan namin si Brit dahil sabik na rin ito kay Shin, matagal-tagal na rin ng magkasama-sama kami.
Narinig namin ang sunod-sunod na ingay ng motorsiklo sa likod namin at pagtawag ng pangalan ko kaya lilingunin dapat namin ngunit hindi na natuloy dahil nagulat nalang kami ng nasa harapan namin sina Hans at Brit kasama si... Vinn na may kasamang... bata?
Magiliw na bumaba si Brit mula sa likuran ni Hans at tinanggal ang helmet. "Oh my, Shinny! I missed you na!"
"Muka mo! Kung ako si Hans pwede pa."
Ngumuso ang alien at nilingon ang boyfriend na nilalaro ang batang nakasakay sa harap ni Vinn. Naka helmet ito kaya hindi ko makita. Naka-uniporme din pamasok. Maingay na ang dalawang katabi ko ngunit wala sa kanila ang paningin ko.
"Hoy! Magdadaldalan pa ba kayo dyan? Male-late si cai-cai!" sigaw ni Hans.
Agad naman kaming kumilos. Pero natengga pa kami dahil hindi namin alam kung kanino kami sasakay ni Shin. Nagpasya si Hans na sa kanya sumakay si Shin dahil iyon ang gusto ni Brit para makasama niya ito ng matagal. Kaya wala na akong choice kundi kay Vinn umangkas, ngumisi siya ng makitang namumutla ako.
"Don't worry, banayad lang tayo ngayon. May bata tayong kasama." nakangisi niyang sabi sakin ng umangkas na ako sa likuran niya. Nakita ko pang tumungo siya upang pakinggan ang sinabi ng bata, narinig ko naman siyang tumawa pagkatapos.
"Dude sa main gate." sabi ni Hans tumango lang si Vinn tapos ay umalis na sila.
Pumadyak na si Vinn at agad namang umandar iyon. Habang umaandar kami ay panay ang pasigaw niyang salita, kinakausap ata 'yung bata.
"Wag kang malikot, cai!" paulit-ulit niyang sabi.
Kinunot ko ang noo kung sino ba itong batang ito. Dalawa lang silang magkapatid na lalaki, wala akong matandaang may bata silang kamag-anak dito sa Cavite. Ngunit habang nag-iisip sa kung sino ang bata ay napatuwid ako ng upon g may mapagtanto.
Is this his daughter?!...
Kinagat ko ang labi sa naisip. Nanlamig ang mukha at palad ko. Naririnig ko pa rin siyang sumisigaw at umiiling. Hindi ko namalayang nasa tapat na kami ng isang primary school. Hindi agad ako natinag sa kinauupuan pero bumaba na rin ako nang umuga ang motor dahil bumaba na rin si Vinn pagkatapos ibaba 'yung bata-or should I say anak niya?
Ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. May alam si Hans, alam niya 'yung pangalan ng bata. Natural bestfriends sila. May alam din kaya si Brit? Magkakasabay sila kanina.
Hinubad na ng bata ang helmet kaya ngayon ay malinaw ko na siyang nakikita. At!
Siya nga!...
Bumubulong ako ng pasalamat dahil kahit paano'y nakakapaglakad pa ako dahil parang namanhid yata ang paa ko habang nakikitang magkahawak-kamay silang papasok sa entrance ng school. Natigil lang ako ng tanungin ako ng guard dahil naiwan na nila ako at naka-uniporme pa ako na ako lang mag-isa.
"Kasama ko 'yan manong." napatalon ako sa nagsalita.
Tumango naman si manong kaya nagpatuloy ako sa pagpasok. Maraming bata ang naghahabulan sa malawak na entrada ng paaralan. May iilan ding mga magulang sa bawat room.
"Diba siya 'yung girl na nasa mall.." dinig kong sabi ng bata at saka sumilip sakin ng masama ang tingin.
Tumawa si Vinn at hinawi ang buhok nito. "Yes. But I said she's nice."
Ngumuso ang bata at humiwalay sa kamay ni Vinn. Hindi ko maintindihan kung paano kong haharapin ang mala-anghel nitong mukha. Parehong-pareho talaga sila ng mata ni Vinn. Parang gusto ko tuloy makita ang nanay nito dahil napakaganda ng kanyang features. Pero may bahagi nun ang ayaw.
"I'm Mitchycai Jorxel M. Savellano. What's your name?" nabulol pa siya sa pangalan.
Savellano? Savellano na siya?!...
Kinurot ang puso ko sa isiping kasal na si Vinn kaya hindi agad ako nakapagsalita. Maraming gumugulo sa isip ko. Naghahagilap ako ng mga tamang salita ngunit parang mas gumulo pa ang mga iyon. Nakita ko kung paanong napanguso siya at nilingon si Vinn dahil sa hindi ko pag-response.
Tumikhim ako. "Ah, I-I'm Calei. But call me ate CM."
Tumango siya. "Bakit mo nga po pala inaaway si tito ko nung isang bes.."
Nalaglag ang panga ko at tila mas lalong nag-wrestling ang mga tanong sa utak ko! Sobrang naguguluhan na ako! Ngumiwi ako.
"Are you ok? Bakit ka namumutla?" hinawakan ni Vinn ang siko ko.
"Toto! She's pale!" tili ng bata.
Kumurap-kurap ako. "I-I'm okay."
"You sure? Dito ka muna, ihahatid ko lang si cai-cai sa room niya." saka mabilis na hinatak ang bata sa kung saan.
Nang hindi ko na sila makita ay napaupo ako sa isang bench malapit sa kinatatayuan ko. Am I wrong? But.. ahhh! I'm definitely wrong! Bakit ba kasi ako nag-iisip ng kung ano-ano! Ginulo ko ang buhok hindi alintana ang mga matang nakatingin.
"Hey." alam ko na ang boses na iyon kaya nahihiya akong nag-angat ng tingin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "What's the matter?" tumabi siya sakin.
Kahit nahihiya ay ipinagtapat ko na ang nagpapabaliw sakin ng ilang araw. Lumunok ako at hinarap ang kagagahan ko. "She's... not your daughter?"
Nalaglag ang panga niya saka natulala sakin. Mamaya-maya pa ay malakas siyang tumawa at pulang-pula na ang tenga. The attention of the crowd became even more because of his outburst. Nahihiya akong tumungo, mariing kinagat ang labi at binabatukan ang sarili sa isip.
Nakakahiya ka!...
"So since you met her you think, I-I'm, shit!" saka muling humalakhak. Kung hindi ako ang may kasalanan kanina pa siya tumihaya dyan habang sinisipa ko. Huminga siya ng malalim at kinalma ang sarili. Kinagat-kagat ang ibabang labi saka humarap sakin. "Wala pa akong kakayahang gumawa ng bata ngayon, Calei.." sumeryoso ang awra niya kahit nakangiti. Nagtiim ang bagang niya. "But I'm willing to, when you were the one with me doing it."
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Novela Juvenil"Memories from the past can hunt you in the future..."