Dream 38

129 4 0
                                    

Unlike now


Pakalat-kalat na mga estudyante at maiingay na magulang ang bumungad samin nang makarating kami sa gymnasium ng school. It's our graduation day. Nagkumahog pa nga kami kanina dahil hindi pala na-plantsa ni mama 'yung toga ko kagabi. Sabi niya kasi ay siya ang magpa-plantsa, baka daw masunog ko pa... magbayad pa kami. Next week si squidward naman. Akalain mong nakatapos iyan ng college?


"Sissy!"


Nginitian ko si Brit na nagmukhang tao dahil sa make-up at straight na buhok. Kadalasan kasi ay kulot ang dulo ng buhok niya, kinukulot niya, hindi natural na kulot-maarte e. Habang humahakbang ako palapit sa kanya ay namataan ko na ang buong barkada. They are like a true person today, huh?


"Hello po tita. Hi ate Caes!" bati nila sa nasa likod ko.


Sumimangot ako. "Ay ganun kung sino 'yung nasa harapan niyo. Iyon ang hindi napansin?"


Tumawa sila. "Hindi." Apela ni Rick. "Hindi kasi ikaw namin nakilala... ang ganda mo!"


"Ulol."


Tumawa kami at nakita ko pa ang pag-nye-nye ni Yhen sa tabi-tabi. The program will be started in 2 minutes sabi ng isang teacher kaya pumila na kami. Binati ang ibang kilala sa ibang section. At syempre mawawala ba ang picture taking, of course not! Kaya ayun two bar agad 'yung camera ni Stan.


Maingay ang buong paligid dahil na rin sa excitement. Mamaya pagkatapos nitong ceremony ng graduation... grad ball na. Kaya iyon ang naging laman ng pag-uusap namin. Our gowns is created by tita Gracia-Britney's mom. Fashion designer kasi iyon, kaya itong si Britney ay nahawa. Akala ata sa hallway ng school ay ramp stage. Dumagundong mula sa loob ang musikang ginagamit para sa graduation march. Kumislap ang mga camerang nasa gilid mula sa pamilya ng mga ga-graduate. Kinukuhanan ang bawat paghakbang sa pintuan ng gym. Bago ako pumasok sa loob ng gym ay pina-pose muna ko ni squidward sa pinto at kinuhanan, tiyak kay papa iyan ipapadala. Nang lahat ay makapasok sa loob ay saka palang kami naupo. Nasa bleachers ang mga kapamilya at nasa unahan ang lahat ng guro. Alphabetical order kaya may times na lumilipat na ako para makausap sila. Kasi naman! Tsk.


Nasa kalagitnaan na kami ng seremonya nang kalabitin ako ni Keane upang makapagpa-picture kaming dalawa. Tumayo kaming lahat ng magsalita ang panauhing pandangal namin at inihayag ang signal na graduate na kami. Habang nililipat ko ang tassel sa kanan ay may naalala ako.


"Kapag grumadweyt tayo, dapat parehong school tayo sa college a?"


Napamaang ako. "Saan ka ba mag-aaral?"


Pinaglaruan niya ang daliri ko at ang isang kamay niya ay buhok ko naman ang pinagdiskitahan. "Kung saan ka. Babantayan kita. Walang pwedeng lumapit pa sa'yo dahil akin ka na. Saka mag-aaral tayo ng mabuti para sa future natin.."


Tumawa ako. "Future agad? Bakit sigurado ka bang ako ang future mo at ikaw ang future ko?"


Humarap siya sakin at hinawakan ang mga balikat ko. Mataman niya kong tinitigan at nalulunod ako sa sobrang lalim nun! "I told you.. I am starting to believe in dreams, and in my dreams, I can see my future... with you, just you."

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon