Pinaghirapan
Happy hearts day!
Joke. I don't know I just feel na laging valentines dahil syempre kay Vinn. Hindi na ko magtatago, what for? Eh sa napapasaya niya ko e. Ang every routine niya ay ang pasayahin ako sa maliliit na bagay. Iyong tipong hindi mo akalain, kaya niya palang gawin. Kaya sa araw-araw na kasama ko siya sa school lalong nadadagdagan ang nararamdaman ko. My friends... ayun at doon na lang ako pinagkukurot dahil hindi daw nila iyon nagawa nung nagtapat si Vinn sa studio, kahit nandoon sila.
"I-massage mo nga 'yung kamay ko dali." napalingon ako kay Vinn na ngiting-ngiti.
"Eh?"
Ngumiwi siya at pinitik ang nguso ko. "Ayan ka nanaman! Hindi ba pwedeng 'ah' naman!"
"Eh, bakit ba kasi?!"
"Nangangalay e!"
"Huuuy! Uso bulungan ngayon, dude!" sigaw din ni Paul dahil kami lang naman ang maingay at nagsisigawan.
Umirap siya sa kaibigan. "Palibhasa puro bulong ka lang." tumawa ang buong tropa at nagkantyawan. "Kahit nga si Yhen hindi mo kayang pasigawin e!"
Lumaki ang mata ko at hinampas siya. Ayan nanaman siya! I know iba ang gusto niyang sabihin dahil iba rin ang takbo ng utak niyan! I looked at Yhen at iyon na ang nanliit at masama niyang tingin kay Vinn but she's blushing.. ha ha. Yes, nung isang araw pa namin nalaman na isang linggo na palang nililigawan ni Paul si Yhen... salamat naman at hindi na siya na-torpe. Psh.
Lumapit nang nakanguso si Paul kay Yhen. "Don't be in rush. Sisigaw din 'to!"
Kaya ayun. Sinugod ng sapak ni Yhen si Paul. Buti nalang at kakaunti lang kaming nandirito sa room. Break e.
"Hay nako. Kasalanan 'to nila Hans at Britney e.." nakahilig si Keane sa upuan niya. "Puro lovers na tuloy dito!" muli silang tumawa. Nakipag-high five pa si Stan sa kanya.
Keane. Nag-usap kami nung isang araw at sinabi niya lang na nasasaktan siya but he understand. He knows na matagal na kong gusto ni Vinn, he said na nakikita niya daw sa mata ni Vinn kahit noon pa dahil ganun din daw niya ko tignan. Hindi talaga ako makapaniwalang gusto ako ni Keane. I take his words by a joke, ok. Pero nung kinausap niya ko, naramdaman ko. I felt sorry for him. Kahit papano may ilangan factor pero hindi iyon naging dahilan upang maging awkward kami sa isa't-isa at masira ang pagkakaibigan namin. He is really a good man. Maraming nagmamahal sa kanya and he should find someone who's worth it.
"Oh why. You is biglang tumahimik, Rick?"
Natigil kami sa tawanan at sabay-sabay na tumingin kay Rick. Nagulat kami ng tumawa siya ng malakas at umiling at sinabing...
"Boy's room lang.."
Nagpatuloy kami sa pagkukulitan nang maramdaman ko nalang na may dahan-dahang humahaplos sa kamay ko. Tumingin ako doon at pinagmasdang galawin niya ng marahan ang mga daliri ko at palakarin ang dalawang daliri niya sa palad ko. Tumingin ako sa kanya at kulang nalang ay mawala ang mga mata niya sa ginagawang pagtawa sa mga biruan nila. Again, I am amazed on how his face have done. He owns a kid-like smile. Very innocent and genuine. His eyes are transparent when he is happy, but when he's mad, it's kinda intimidating that you can't have the guts to at least glimpse on his eyes.
Kinuha ko ang kamay niya na patuloy sa paglalaro sa kamay ko. Napatingin siya doon. Ngumiti ako. "I-mamassage ko na po, sir.."
Tumawa siya. "Huwag mo babaliin ah?"
Hinampas ko siya at tumawa. Hinilot ko ang palad niya at mukhang tangang pinipikit pa niya ang mata. Muli ko siyang hinampas habang tumatawa kaya idinilat niya ang mata at humalakhak rin.
"Wag ka nga! Parang timang 'to." saka pabirong sinampal ang pisngi niya upang sa ibang direksyon iyon bumaling. Nakatitig kasi e!
Tumawa siya at muling pumangalumbaba at tumitig naman sa kamay namin. "Pa'no ka marunong niyan?"
Napatawa ako sa paraan niya ng pagsasalita. Tipong kahit hindi niya sinadya ay nag-tonong parang bata ang nagtanong. "Wala lang."
Bahagya niyang hinila ang kamay niya. "Siguro ginagawa mo 'to sa mga ex mo no." bintang niya habang nakakunot ang noo.
Napamaang ako. "Ex na huh? Baka may ex.." muli kong hinila ang kamay niya. Ngunit hindi niya pinayagang mahawakan ko manlang iyon.
"Sus. Kunyari ka pa, may ex ka na."
Nanliit ang mata ko. "Gusto mo ba talaga akong magkaroon ng ex?"
"Meron naman talaga.." parang bata niyang sabi.
"Wala nga!"
Tumaas ang kilay niya. "Kaya pala dati may nakikita akong kasama mong lalaki."
"Stalker ka talaga e no." tawa ko.
Umirap siya. "Edi, totoo nga. Kunyari pang ako ang first boyfriend.." muli siyang umirap.
Tumawa ako. "O sige, may ex na ko."
Lumaki ang mata niya. "Oh tinamo! Sino 'yon?! Bakit hindi ko kilala?"
"Ngayon palang kasi kami nag-break." kinagat ko ang dila upang pigilang tumawa.
Nalaglag ang panga niya at namutla. Hindi siya agad nakapagsalita at tanging.. "H-ha?" sagot niya.
Tuluyan na kong natawa sa itsura niya. "Sabi ko ngayon palang kami nag-break."
"Two timer ka!" sigaw niya. Napalingon samin ang maingay naming mga kaibigan. "D-dalawa kami?!"
Saglit akong napatungo dahil hindi ko na kayang pigilan ang pagtawa ko sa katangahang pinairal niya. Hindi niya na-gets! "Abnormal!" pinandilatan ko siya. "Diba pinagpipilitan mo namang may ex na ko? Oh edi makikipag-break na ko sa'yo."
Lalong namutla ang mukha niya at natulala sakin. Nagtatagisan ang panga niya. Tinaasan ko siya ng kilay habang nakangisi. Kumunot ang noo niya at pinikit ang noo ko nang napakalakas.
"Aray ha!" sapo ko ang noo.
"Hindi ako papayag." Seryoso niyang sabi. "Pinaghirapan kita kaya dapat maghirap ka rin para makawala sakin, dahil hindi talaga ako papayag."
Natapos ang araw at maayos naman lahat, iyon din ang naging takbo nang mga nakaraang araw. Madalas kaming mag-usap sa telepono kapag gabi o kaya magtext. Kapag weekends ay kinakamusta niya din ako. Ganoon lang kami hanggang sa dumating ang unang buwan namin.
"Hindi kayo magce-celebrate?" tanong ni Shin habang kinakain ang chocolate na dala ni Chris. We're heading to church. Hindi ako nasundo ni Vinn kahit kaming dalawa ang magsisimba. Nakita nila akong naghihintay ng jeep kaya isinabay na nila ako dahil doon din ang punta nila.
Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ko rin alam e.
"First monthsary is important, you know." Napalingon ako kay Chris na diretso lang ang tingin sa daan. "Pero pwede rin namang wala ng celebration dahil magkakasama naman kayo mamaya. It's more important, iyong kasama mo siya." tumingin siya sa rear view at ngumiti sakin.
"Ehhh! Kahit na, it's more romantic kung may gagawin siya."
"Tsk. I'm sure na hindi lang ito ang magiging monthsary nila. So.. marami pang pagkakataong mag-celebrate."
"Iyon nga e, dapat bawat monthsaries, special!"
Chris sighed as if he is defeated by his sister... again. "Haay, girls."
Nakarating kami doon ng lumipad ang isip ko sa isang tanong.
May celebration nga kaya kami?
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Genç Kurgu"Memories from the past can hunt you in the future..."