Dream 3

297 7 2
                                    

Galitin

Tulala ako sa harap ni ms. Ramirez habang isa-isa niyang tinitignan ang mga ibinigay ko sa kanya. Pinilig ko ang ulo at tinaktak upang mawala ang mga kagaguhan ni Vinn sa utak ko.

“Ms. Aquiron, are you ok?”

Napitlag ako. “Yes madame.”

“Alright. Last na ito, pumunta ka na sa office para ma-save na itong files mo. Go to mrs. Junio, para sigurado. Iyong iba kasi ay maraming ginagawa kaya baka kung saan mailagay ito. Alam mo namang dagsa ang mga transfrees and enrollees ngayon.”

“Thanks madame.”

Lumabas na ako sa aircon pero napakainit na faculty. Muli nanaman kasing dumami ang tao. Namataan kong nag-uusap ang mga babae, kumukumpas pa nga ang kamay ni Brit. May kung ano namang business ang mga boys. Lumingon sa gawi ko si Asia kaya napansin niya ang paglapit ko.

Napakalakas talaga ng pakiramdam nito…

“Hahaha! That was cool bro!” nahihirapang sabi ni Rick habang hawak ang cellphone at may kung anong pinapanood doon. Tawa sila ng tawa.

Umupo ako sa tabi ni Asia. “Ano na?”

Ipinikit ko ang mata at bumuntong-hininga tanda ng pagkapagod. “Naku, bumalik daw ako sa office. Last na daw.”

“Maraming natatakang gumawa ng ganyang move pero failed pa rin. Ako lang ata makakagawa niyan e.” dinig kong pagmamayabang ni Hans.

Binatukan siya ni Paul. “Tarantado. Lumuhod ka pa nga sakin para lang turuan kita.”

“What’s that ba? You are all so loud! We’re nag-uusap kaya dito!” angil ni Brit.

“Scandal.”

Nalaglag ang panga ni Brit. Nanlalaking mata niyang nilapitan ang nobyo. Tumakbo naman agad si Hans palayo ngunit agad siyang nahablot ni Brit dahil pagkalingon niya ay maraming tao ang nakaharang kaya hindi siya nakaalis.

Tumatawang sumilip si Yhen sa cellphone. “Ano ba kasi iyan?”

“Nakasilip ka na, tinatanong mo pa.” muling alaska ni Rick, siya kasi ang may hawak ng phone.

And the rest was a tragic and bloody history. Rest in peace.

Natapos ko na ang mga dapat tapusin at maayos na ang lahat. Hapon na kami nakakain ng tanghalian dahil sinabayan pa nila ako. Nasa bahay kami dahil gusto daw nila ang luto ni papa. My father is a chef in London. Noong nakaraang buwan lang siya umuwi. May restaurant din kami dito na pinamamahalaan ng mga tito ko na kasosyo niya.

Hindi naman kasi pwedeng si mama dahil teacher siya sa isang primary school, I’ll be specific.. sa mga grade 1 pupils. Kaya minsan tahimik kami sa bahay dahil maingay na daw sa school, maingay pa rin daw kami sa bahay. Pero minsan lang ‘yun dahil wala siyang magawa kapag bunganga ko at bunganga na ng tatay ko ang umandar. They said I’m like a living meagpahone, ang lakas ng boses. But should I do? It’s me, my nature.

“Tito, pwede po bang mag-uwi nito? Mag-iimbak po ako sa bahay, aamuyin ko nalang po para di agad maubos.” ani Rick.

Humalakhak si papa. “You can’t do that. Masisira naman iyan kung hindi mo kakainin. Pwede ka namang dumalaw rito. Basta ba ikaw ang bibili ng ingredients at hindi dahil sa anak ko.”

Ngumiwi ako habang nakatingin silang pinagtatawanan ako. “Of course tito, baka hindi na ko makapasok ng buhay dito dahil sa labas palang binugbog na ko ng guard ng subdivision.” saka humagalpak ng tawa.

“Mabuti’t alam mo. Kumpare ko iyon, haha. Magaling hijo magaling, magkakasundo talaga tayo.” tumawa siya at inabot kay Rick ang kamay para sa isang apir.

“Ay, ang galing. Parang wala ako dito..” please note my sarcasm.

Humalakhak si papa. “Ay! Naku, andyan ka pala. Pasensya na anak hindi kita nakita, hayan mo’t papataasan ko iyang upuan mo.”

Lalong lumakas ang tawanan. Grabe itong tatay ko! Bakit ganyan iyan? Kung anong ikinaseryoso ng nanay ko ay siyang ikina-kalog niya? Ba’t ganun. Dapat na ba akong mag-rebelde o pabalikin nalang ulit siya sa London.

“Ok enough. Baka maitaob niyan ang mesang ito kahit maliit ‘yan, aba! Small but terebble naman iyang Calei namin.”

“Oho nga po. Dinaig pa ‘yung terror teacher namin sa Filipino kung umangil.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Vinn. For his information sa kanya lang ako bwisit! Ang kapal ng apog nitong makisali sa usapan!

“Hinihingi ba ang opinion mo?” nakataas kong kilay na tanong sa kanya.

“Hindi. Pero pwede akong sumali sa usapan dahil sinama mo ako dito.” inilabas niya ang mapanukso niyang ngiti.

Lalong tumaas ang kilay ko. “Pinagsisihan ko na. Sa susunod nga ‘wag na natin itong isama!” parang batang sumbong ko habang nakatingin kay Yhen na katabi ko.

“Aw. Ang baby ko, mukang nakahanap ng katapat sa kasungitan. Sige hijo, galitin mo lang.” at nadinig ko nanaman ang malulutong nilang halakhak.

Pinagtutulungan nila ako!...

“Paaaaa!” nadinig ko ang sigaw ni squidward—ate ko.

Tumayo si papa at saglit na nagpaalam upang magpakita kay ate. Panay ang kantyaw sakin dahil sa mga kalokohan ng tatay ko.

“He’s cool C.”

Umirap ako sa puri ni Yhen. Maging si Asia ay ganun din ang sinasabi. Sa kabilang banda naman ay mukang magka-away ang lovebirds, kahit nakikitawa sila ay pansin kong may kakaiba dahil di gaanong nakikisawsaw si Brit sa usapan. Nagkibit-balikat nalang ako.

“Oh, kumpleto pala ang tropa eh—“ bungad ni squidward. “Wow, sarap naman. Pwede makisalo?” humawak siya sa sandalan ng upuan ko at sinisipat ang mga nakahain.

“Oo naman, Caes. Lagi ka namang pwede.” ani Kurt na akala mo sa kanya ang bahay at siya ang nagluto. Kumindat pa siya kay squidward.

“Ay, totoy. Type mo anak ko?” sulpot ni papa sa likod ni squidward.

“Ayon! Lagot.” hiyaw ni Keane. Sumali na.

“Patay ka Kurt! Yari ka kay manong guard, banned ka na dito!”

“Hoy totoy! Haha.”

Sigawan at hiyawan nila. Mga nagbabatukan pa. Kahit ilang beses pa lamang nilang makita’t makasama ang papa ko ay nakakagulat na komportable na sila sa presensiya nito na nagagawa nilang maging natural sa harap niya.

Sabagay mga lalaki, makakapal, hahaha…

“Ayos ‘yan. Pareho kayong tiga-dagat. Siya si squidward ikaw si plankton.” humalakhak ako at sinabayan nanaman iyon ng maiingay nilang harutan.

Lumipas ang ilang oras at nagpasya na silang umuwi. Isa-isa silang nagpaalam ngunit nagbanta na muling babalik para lang kumain. Alas otso nang nagtungo ako sa kwarto ko at naligo upang makapagpahinga.

Saglit din kaming nag-usap ni Shin. Nagsumbong at nagreklamo ako sa kanya dahil ikinuwento ko sa kanya ang mga naging ganap kanina.

[Hindi ka pa rin ba sanay sa kanya, C?]

“Eh, nakakabwisit kasi. Siya ata ang magiging dahilan kung bakit magkaka-high blood ako.”

Humalakhak siya sa kabilang linya. [Alam mo fhudge, bakit kapag iba ang nang-aalaska sa’yo nagagawa mong hindi mainis and the worst sila pa ang naaasar sa bandang huli. Then why sudden, Vinn has this ability to annoy you?]

Hanggang ngayon ay napaisip ako sa sinabing iyon ni Shin. Bakit nga ba ang dali kong maapektuhan kapag siya na ang bumibira. Dapat hindi ako magpaapekto, we’ve been known each other for the past years kaya dapat siya na ang naaasar sakin.

HAH! May araw ka rin sakin, Savellano..

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon