He is jealous, C
Hindi maipinta ang mga mukha namin nina Brit sa bungad ng canteen. Tila may sabong sa loob at lahat ng tao ay nagkakagulo.
"Kulang na ba ang pagkain dito sa canteen?" mataray na tanong ni Yhen.
Nilingon ko ang mga lalaking kasama namin at tahimik lang naman sila. Mga mukhang iritado pwera kay Stan syempre dahil feel na feel niya ang atensyong nakukuha sa mga babae. Umiling ako at tumingin nalang ng pwesto. Nahirapan kami dahil puno ngayon ang canteen. Nakakainis din dahil nagmistulang palengke na iyon sa sari-saring bunganga.
"Walang mauupuan. Sa labas tayo." suwestyon ni Asia. Tumango kami at lumabas na nang palengke este canteen.
Marami pang bumati sa mga kasama namin kaya napapairap nalang kaming mga babae. Lalo na si Brit na harap-harapang tinatarayan ang magtatakang lumapit sa boyfriend. Nang makalabas ay tumungo agad kami sa madalas naming kainan tuwing break. Malaki-laki pa ang oras para kumain dahil dalawang subject na magkasunod ang walang klase.
Umorder kami agad at tanging spaghetti halo-halo at siomai lang ang akin. Nagbe-breakfast ako e. Sila naman ay tipong breakfast at tanghalian kung magsi-order!
"Grabe ka naman, Rick. Ano 'yan huling kain?" natatawang kantyaw ni Keane.
"Hindi hati kami ni Stan dito, ulol ka."
Iginugol namin sa pagkain at pagkukwentuhan ang oras namin. Ito lang ata ang araw na hindi kami maaaligaga dahil baka ma-late kami sa next subject namin. Kadalasan kasi ay maaga pa sa oras nila kung magsi-pasok ang ibang teacher namin.
Muli nilang pinag-usapan ang darating na dance battle sa school ng kuya ni Stan. It'll be held by next sunday, kaya kailangan daw nilang makapag-practice na. Brit, insists na manonood kami ng practice pero hindi sila pumayag.
"But why? We want to make nood how you do your performance! And for support, duh!"
Tumawa si Hans. "Wag na baby.. naka-topless lang kami kapag nagpa-practice. Ayos sana kung katawan ko lang e, kaso baka masuka ka kapag nakita mo 'yung sa kanila. Ikaw din." saka humalakhak.
Agad umalma sila Stan at pinagbababato ng kung anong mahawakan. Pumayag na rin kaming sa mismong event battle nalang dahil mukhang mas mapilit silang doon nalang. Kahit gusto ko rin makita kung paano nila gagawin ang steps, mag she-share ng mga ideas ay hindi na rin ako nagpumilit. Siguro ang seryoso nila kapag ganun o baka mas pwedeng hindi rin.
Nang magsawa sa mga pagmumukha ng mga taong padami ng padami sa kainan ay nagpasyang tumambay nalang kami sa room, siguradong nasa labas rin ang mga classmate namin. Pagpasok ng campus ay hindi nanaman nawala ang mga bumabati at paminsang tumitili kapag nadadaanan namin. Edi sila na sikat! Psh.
"Ay taray ng room oh. Inabandona." natawa ako sa sinabi ni Yhen.
Bumungad samin ang gulo-gulong upuan at nakabukas pa na pinto ng room, wala ni isang tao. Pumasok ang boys at parang mga gagong mas lalo nilang ginulo ang mga upuan. Walang pakielam kung matumba man ang iba sa paghawing ginagawa nila.
"Mga bugoks talaga." sabi ni Brit habang tinatayo ang mga upuang natumba. "You all nga, you make ayos ang mga seats! We make gamit this later!"
"Kaya mo na 'yan." Hans tapped her girlfriend's shoulder.
Umasik naman si Brit at itinulak ang boyfriend na tawa ng tawa habang inaayos naman ang mga upuan. Baliw talaga. Tumulong na rin kami sa paghahalera ng mga upuan.
"Wala pala 'tong kaibigan natin e. Under!"
"Hoy mga gago! Baka hagisan ko kayo dyan ng upuan. Tumulong kayo rito, hindi itong mga babae ang pinagbubuhat ninyo!"
Saglit pa silang nagsigawan bago nagsitayuan sa prenteng pagkakaupo. Inagaw nila samin ang mga upuan. Tumayo naman kaming apat na babae sa gilid upang mas maging maayos ang pag-aayos nila. Nagulat nalang kami ng parang iba ata ang ayos na ginagawa nila. Tumawa si Stan habang dinadala sa kung saan ang upuan.
"Ano ba 'yan. Mga abnormal talaga. Ano feeling niyo, Christmas party?" natatawang sabi ni Yhen.
Natawa rin ako dahil imbis na tipikal na ayos ang ginawa ay ginawa nilang pa-letter U ang ayos nito. Nagtawanan at nagturuan naman sila sa kung sino ang pasimuno. Nandyan pang muling nagkabanggaan nanaman sina Yhen at Rick dahil sinisipa lang ni Rick ang upuan upang mapunta sa pwesto nito.
Nang maayos ay agad na kong tumungo sa upuan ko. Actually sa bandang unahan ako na sadyang kinaiinis kong talaga. Alphabetical order sucks! Nahiya ako sa Aquiron kong apelyido. Habang ang karamihan samin ay nasa dulo dahil pinagpala sa mga apelyido nila na malayo sa kabihasnan.
Dumating na ang ilan naming kaklase at kasama na dun ang dalawa kong katabi. Tatlong upuan bawat row. Ako ang nasa gitna at dalawang lalaki sa gilid ko. May naalala ako kaya kinalkal ko ang bag ko.
"C. Dito ka muna, wala pa naman katabi ko e." sabi ni Asia.
Itinaas ko ang kamay, sensyas ng teka lang. Patuloy ako sa paghahanap ng muli siyang sumigaw.
"Dali na, C!"
Tumingala ako. "Teka. May hinahanap ako." muli ay hinalukay ko ang bag. "Nandito lang iyon e.." mahina kong bulong habang maluha-luha na.
Iyong folder namin sa T.L.E na ngayon i-checheck ni ms. lahat ng stitch na nagawa namin sa isang linggo. Doon lahat nakalagay ang mga ginawa ko! Panay na ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ko siya makita! Naramdaman kong may huminga sa bandang batok ko kaya mabilis kong inangat ang ulo ko ngunit agad na napahawak sa likod ng ulo dahil sa pag-untog ko sa matigas na bagay.
"Aray.." nilingon ko si Lance na katabi ko at hawak ang noo niya. Dumilat ang isang mata niya at ngumiti sakin. "Ang tigas ng bungo mo a.."
Nahihiya ang humarap sa kanya. "Sorry. Ikaw naman kasi, bakit ang lapit mo?"
Tumawa siya. "Sinilip ko lang kung anong hinahanap mo."
Kinamot ko ang ulo. "Tsk. Iyan chismoso ka kasi.." tumawa ako at hinawakan ang noo niya. "Masakit?"
Ngumiti siya at magsasalita na ng biglang may humigit ng polo niya pataas. Si, Asia.
"Uh-he he. Ikaw kasi chismoso ka. T-tara chikahan tayo."
Nanlaki ang mata ko habang sinusundan sila palayo sakin hanggang sa paupuin ni Asia si Lance sa tabi niyang ino-offer sakin kanina. Ngumiwi ako sa natunghayan. Did Asia got jealous? Did she got.. NO! What? Umiibig si Asia? At pinagselosan pa niya ako? Whaaaaat?! I need to celebrate and tell her I'm not into Lance!
Patayo na sana ako nang makita kong lumingon si Asia sa direksyon ni Vinn. He's also looking at Asia habang nakahilig sa sandalan ng upuan at kagat ang isang ballpen. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at nagulat ako sa pagkindat niya kay Asia.
Tumingin ako kay Asia at nakitang nakangiti siyang umiling. Humarap ako sa harapan at tinagilid ang ulo.
What was that?...
Napatalon ako sa pag-vibrate ng cellphone ko. Dinukot ko iyon only to find out Asia's text. Mariin kong kinagat ang labi. Apat na salita ngunit nagpatigil sa paghinga ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.
Asia: He is jealous, C.
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Jugendliteratur"Memories from the past can hunt you in the future..."