Dream 27

178 6 2
                                    

Isip bata

Nagsikalasan kami nang ibang direksyon na ang daan pauwi ng iba at ngayon ay kaming magkakaibigan nalang at iyong dalawang lalaki kanina saka si Yanpree ang magkakasama. Medyo tahimik ngunit nag-iingay pa rin sina Rick at Stan.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Stan ang 'yung kuya niya. Nakilala na rin namin ito, pati na rin ang kuya ni Vinn. Dati pala silang miyembro ng dating Eastrad, kumbaga ibang version na sila Vinn, parang next gen. ganun. Binuo nalang nila ulit.

"Sissy. We're hihiwalay na rin. Sa bahay kami e," paalam din ni Brit saka kasamang sumakay sa isang jeep si Hans.

Nagpatuloy kami at agad na ring sumakay ng jeep. Madaldal pa rin si Rick dahil sila na ni Paul ang nagkukulitan, sinaway siya ni Yhen kaya nagka-giyera po sa loob ng jeep.

"Uh-dito nalang po." napatingin kami kay Yanpree. Tumigil ang jeep at nagpaalam na siya samin-sa kanya. "Thanks for inviting me, Vinn. You did a great job!"

Ngumiwi ako at ibinaling ang tingin kay Vinn na-ngayon ay nakangiti na! Humagikhik si Yanne bago bumaba. Nagpatuloy ang pag-andar namin ngunit hindi ko maialis sa babaeng iyon ang tingin ko. Muli ay ngumiwi ako. Inalis ko na rin ang tingin dahil nakakangawit siyang sundan habang unti-unti nawawala sa paningin ko. Ngunit pinagsisihan ko kung bakit sa isang parte ng jeep dumako ang mga mata ko. Nagtapo ulit ang mga paningin namin ngunit blanko na ito ngayon. Lumabi ako at pinilit makitawa sa mortal na magkaaway sa tabi ko.

"C.." nilingon ko si Shin. "Sa ibang daan kami ni Key ha. Susunduin kami ni Chris."

"Okay."

"Kaya mo naman mag-isa, hindi ba?"

Ngumiwi ako. "Oo naman."

Katulad ng sinabi ni Shin ay nauna silang bumaba ni Keane. Pabiro pang hinaplos ni Keane ang pisngi ko bago bumaba. Ilang saglit pa ay bumaba kaming mga natira sa may kanto. Malayo pa ang lalakarin ko papuntang bahay kaya nagdadalawang isip ako kung magta-tricycle ako o maglalakad nalang. Si Yhen ay sasakay pa ng isang jeep upang makauwi kaya inihatid siya ni Paul.

"Dito na ko.." sita ko dahil masayang nagkukwentuhan sina Rick at Asia. Samantalang si Vinn at ang kuya niya ang tahimik na nag-uusap.

"Ay oo nga pala. Sige ingat ka." ani Asia. Kinulit pa ko ni Rick bago pakawalan.

Nagpasya akong maglakad nalang, maaga pa naman kaya wala pang aswang, joke. Kahit maliit naman ako kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Kinabukasan lang nila ang babasagin ko kung may magtatangka. Tinext ko na rin si mama na pauwi na ko. Tahimik lang akong naglakad, alangan namang magsalita ako, psh. Patuloy lang ako nang may maramdaman sa likod ko. Napalingon ako at kumunot ang noo.

Maraming tao at maliwanag kaya hindi mo ko masasaktan!...

Nagpatuloy ako ngunit dumagundong ang puso ko ng may makitang aninong malapit sa likod ko dahil sa kaunting ilaw galing sa isang street light. Nagmadali akong maglakad kahit gusto ko ng tumakbo, sabi kasi ni mama, 'wag mo daw ipahalatang takot ka. Ngunit habang pabilis ako ng pabilis ay siya ring sinasabayan niya, halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil medyo madilim at wala ng tao sa parteng ito na nilalakaran ko!

Tatakbo na sana ako ngunit may pumigil sa braso ko! Walang patumpik-tumpik akong pasigaw na sana pero agad niyang natakpan ang bibig ko! Hindi ko makita ang mukha niya dahil takip ng kamay niya ang bibig ko at kinakaladkad ako kung saan.

"Hmmp!" nagkukumawala ako ngunit patuloy pa rin siya sa pagdala sakin sa kung saan. Akmang kakagatin ko ang kamay niya ngunit napigil iyon ng magsalita ang isang malalim na boses sa likuran ko.

"Calei.."

Kusang kumalma ang sistema ko ng marinig ang boses niya. It's just my name yet my whole system go back to basic like there's no something happened! Nakahinga ako ng maluwag, akala ko katapusan ko na! Tinanggal niya ang kamay at pinaharap ako sa kanya. Napalunok ako sa pagod niyang mata at tuwid na mukha.

"B-bakit naman kasi-

"Pwede ka bang gabihin pa ng kaunti?" nagulat ako sa tono at lambing ng boses niya. Nakagat ko ang labi at tumango na lamang. Sinimulan namin ang maglakad.

"Anung sabi ng kuya mo?" tanong ko at sinimulang kumain. Nasa isang fast food chain kami dahil nagugutom na kaming parehas, pasado alas nueve na rin.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi na nagtanong."

Tumango ako at binalot kami ng katahimikan. Pinagmamasdan ko lang ang mga pakalat-kalat na crew. Narinig ko siyang huminga ng malalim.

"Hindi kami nanalo.." nilingon ko siya. Nakatungo siyang nakanguso at pinaglalaruan ang pagkain sa harap.

"Ok lang naman 'yun. At least naka-first kayo." ngiti ko. Tiningala niya ko nang nakakunot ang noo.

Ano nanaman? May masama ba sa sinabi ko?...

"Ok, pero ni hindi manlang kita nakita nung awarding!"

Nagulat ako. "Eh? K-kasi. Hindi ko naman kasi alam na mabilis matatapos-

"Pa'no.. kung saan-saan ka nagpupunta!" nanlaki ang mga mata ko sa biglaang pagsigaw niya. Napalingon ako sa paligid at may mga napatingin.

Inis ko siyang binalingan. "Bakit ka ba sumisigaw?!" mariin kong sabi. "Eh-kasi, hindi ko namalayan 'yung oras."

"Tch. Ganoon. Porket siya ang kasama mo, hindi mo namamalayan ang oras?! Tccccch!"

Kumunot ang noo ko. Paanong? Ano bang pinagsasabi nito, si Keane lang naman ang kasama ko. "Tumigil ka nga!"

"Tch."

"Isip bata ka nanaman ba?"

Matalas niya kong tinitigan. Kumabog ang puso ko sa pinaparamdam niya sakin sa pamamagitan lang ng pagtingin. Heck, Calei Mher!

Tinagilid pa niya ang ulo. "Kung pagiging isip bata ang magselos... ok isip bata ako."

Napatanga ako at halos mapaliyad ako dahil sa mga kuryenteng gumagala sa likod ko! Tumayo lahat ng balahibo ko at hindi ko mapigilang napatungo at napahawak sa aking mukha. I'm already burning, alright! I'm gonna explode!

Ngumuso ako. "Kumain ka na nga. Baka gabi na noh.."

Pinilit kong hindi manginig ng itaas ko ang kamay upang sumubo ngunit tila bumigat ang kubyertos dahil parang hirap na hirap ako itong ipasok sa bibig ko!

Fvck!...

"Stop shaking. You're turning me on." saka hinawakan ang kamay kong may hawak ng kutsara at siya na ang mismong nagpatuloy nu'n sa bibig ko.

Halos hindi ko manguya ang kinakain at pilit na nilulunok nalang at huwag ng nguyain. His intimidating gaze leads to my boiling point. I looked down, to the side, everywhere... trying to let go of his stares. Narinig ko ang malalalim niyang paghinga at nakita kong kumikilos na siya upang kumain.

Kinagat ko ang labi at sinampal-sampal na ang sarili sa isip. Pumikit ako ng mariin bago pinilit ang bawat intestines ko na makisama ngayon. Kumain lang kami ng tahimik. Hindi ko mapigilan ang sariling kahit papaano'y sumulyap sa kanya. His perfect eyebrows furrowed that's accurate with his not that chinito eyes, sakto lang. The bridge of his nose contrast with his pinkish and thin lips. Ngumuso ako dahil mas pambabae pa yata ang labi niya kaysa sakin. And.. shutangenerns, 'yung buhok niyang bagong gupit! Parang mas gusto ko nalang siyang titigan kaysa kumain.

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon