Dream 14

174 6 0
                                    

Responsibility

Mahabang linggo pa ang lumipas at wala kaming ginawa kundi ang subsubin ang mga mukha namin sa pagsusulat, quiz at discussion. Sa mga araw na ‘yun ay hindi ako tinantanan ni Keane sa mga paandar niya. Gumawa pa siya ng pancake na kinain naming lahat kaya nagalit siya dahil akin lang daw dapat iyon at hindi ako namimigay.

Ngayon ay nakatunganga sa langit at naghihintay na tumigil ang ulan. Uwian na namin, ang kaso ay nasa loob palang kami ng classroom ay umuulan na. Tanging si Asia lang ang girl scout. Ang mga lalaki naman ay may kanya-kanyang sasakyan, ngunit hindi parin sila makaalis dahil ulan. Motorsiklo lang kaya may tendency na mabasa pa rin sila sa lakas ng ulan.

Nasa may bandang likuran kami ng mga estudyanteng nag-aabang rin ng mga sundo o nagpapatila rin. Maingay at magulo ang paligid dahil iba’t-ibang bunganga ang nangingibabaw. May mga nililingon pa ang direksyon namin at saka mahinang tumitili, kasama namin ang ilang miyembro ng Eastrad, what do I expect. Nahihilo na nga ako sa kakairap!

“Dude, ligo nalang tayo..” ani Stan saka luminga-linga pa.

“Halatang hindi naligo oh.”

“Eeew! You Stan ha! You are pasimple pa.”

Nagsimula ang maingay at magulo naming bangayan. Walang awat ang malakas na tawa nina Rick at Hans dahil may kabulastugang sinasabi nanaman.

“Dali bro! Sasamahan ka ni Hans!” ani Paul habang namumula na sa kakatawa.

“Oy tado! Ikaw nalang.. baka gusto mo kung paanong magwala ang mga alien?” sabay sulyap kay Brit habang nakaakbay dito.

Hinampas naman siya nito. “Yes. Subukan mo talaga. I’m gonna make your’s, like a lantang longganisa!”

“Woah! Masakit ‘yun dude!” sagot ni Keane.

“Lanta na talaga ‘yan, Brit” alaska naman ni Vinn.

Lalo kaming natawa sa itsura ni Hans. Papayag daw silang maligo lahat sa ulan pero Oblation Run type ang peg. Mga loko-loko talaga, andami tuloy tumitingin. Sumali kami ni Yhen kaya ngayon ay Yhen vs. Rick nanaman. Umiling ako at humalakhak sa pang-aalaska ng buritong monggoloid kay Yhen.

“Whoo! Tumigil ka na Yhen. Buti nga bulalo may laman, eh ikaw tss.. nevermind.”

Halos hawakan ko na ang panga ko dahil sa kakatawa sa palitan nila ng pang-aasar. Ngunit awtomatikong nanigas ako ng may maramdamang mainit na hininga sa likod ng tenga ko. Lumunok ako ng ilang ulit upang pigilan ang pagwawala ng sistema ko.

“It’s good to hear your laugh. But I’ll make sure I can do that to you everyday if you would let me.”

Nilingon ko ang pamilyar na boses. Nakangiti siyang nakatungo sakin habang ako’y nakangiwing nakatingala sa kanya. Pilit kong nilalabanan ang pagdagundong ng puso ko dahil ayokong maramdaman niya iyon. We’re just inches away, my god!

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon