Take me
Unti-unting nag-uwian ang mga bisita. Nagpaalam na rin sina tita at tito na mauuna ng matulog dahil may pupuntahan pa daw sila bukas. Kami nalang ang natira at si Lowie. Iyong iba ay bangag na dahil hindi lang san mig ang tinira nila. Inihatid na rin ni Rick ang kasama. Nagpaalam na rin si Yanpree dahil tinatawagan na siya ng kuya niya.
"Hoy. Pakyu ka Rick. Bakit naglovelife ka agad?!" si Stan habang nakataas ang paa at nakapatong sa hita ni Asia.
Tumawa si Lowie. "Oo nga kuya. May pumatol sa'yo no?"
Nagkibit-balikat si Rick. "Mahal ko e.."
"Sus. Mahal-mahal. Isang araw pa lang ata kayong magkakilala, mahal agad."
"Tarantado. Batchmate natin 'yun!"
"Eh, bakit ngayon mo lang niligawan?"
Nagulat kaming lahat sa tanong ni Yhen. Mapungay na ang mga mata niya at namumula ang ilong at pisngi niya. Lasing na siya. Napatingin ako kay Asia ngunit ngumiti lang siya at hinampas ang binti ni Stan.
Tumawa si Rick. "Eh anong pakiealam mo?"
Ngumisi din si Yhen. "Yup. Wala akong pakiealam.." nilaro niya ang boteng hawak. Inikot-ikot. "Pero kung ito ang paraan mo ng pagganti.." tumingin siya kay Rick. Matamang tingin. "Hindi ako natutuwa."
Tumahimik ang lahat at halatang nagulat. Narinig ko nalang ang mumunting mura ni Stan. May alam siya? Tinignan ko si Paul, nakayuko lamang siya. Bumuga ng hangin si Yhen at pilit na tumayo ngunit napahawak siya sa balikat ni Keane dahil halata namang hindi niya kaya.
Tumayo si Paul. "C'mmon. I'll take you home."
Umalingawngaw ang tawa ni Yhen. "No. Diba, mahal mo pa ako? Don't take me home and.. take me."
Nanlaki ang mata namin at narinig ko ang pagsinghap ng iba. Pasuray-suray siyang lumapit kay Paul at sinalo naman siya nito. Tahimik ang lahat ng makaalis sila matapos na magpaalam. Kay Rick lamang ang paningin ko at puro pagtiim ng bagang at iling lamang ang ginagawa niya. Bumuntong hininga siya at marahas na tumayo.
"Uwi na ko." bumaling siya kay Lowie. "Happy birthday.. I'm sorry." saka umalis.
Narinig ko nanaman ang frustrated na mura ni Stan at ibinaba na ang binti sa kay Asia. Tumayo siya.
"Labas muna ko."
"Sama ko." habol ni Hans.
"Hey baby! Don't smoke!" sigaw ni Brit, tumango lang si Hans. "Stan is magsisigarilyo kasi and I'm sure of it."
Saglit lang kaming nagkwentuhan habang umiinom ng paunti-unti. Uuwi pa ko kaya hindi ako magpapakalasing no. Nagpaalam si Lowie nang antukin na dahil medyo may tama na rin siya. Dapat ay dito matutulog ang boys pati sina Yhen at Asia, pero dahil sa nangyari ay baka hindi na matuloy or pwede ring matuloy, I don't know.
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."