Dream 26

186 4 1
                                    

Catch me

Pilit akong ngumiti at hindi hinayaang maramdaman nila kung gaano akong nasusuklam sa sarili ko. Ilang beses pa silang nagtanong kung bakit ako sumigaw, syempre wala na kong choice kundi ang ngumiti at magsinungaling.

"Oy. Baka nakakalimutan niyo babalik pa tayo du'n." dinig kong sabi ng kung sino.

"Oo nga, tara-tara."

Nagsikilusan na kami at dahil na rin sa madami kami ay tanging ingay lang namin ang bumabalot sa canteen sa buong pag-stay namin dun. Paglabas namin ay naglakad pa kami sa mga hallway doon bago marating ang activity area. May nakita pa akong malaking-malaking bear na ibinigay sa nanalo sa raffle. Ngumuso ako at parang gusto kong umakyat doon at hablutin iyon sa kanya.

Wala pa ring tigil ang usapan namin, may iilang mga bumabati sa grupo. Pumuwesto kami sa may bandang likod na dahil maluwag daw dito. Sa aktong nagtatawanan kami nila Shin nang marinig ko ang boses sa gilid namin.

"Can I join?"

Muli ay hindi ko nanaman maiwasang tignan siya mula ulo hanggang paa. Damn this! She's really hot and... uhm beautiful.

Tumaas ang kilay ni Yhen. "Yes?" siniko ko siya.

Naiilang siyang tumabi sakin dahil iyon lang naman ang maluwag. Siguro ay na-op siya sa mga lalaki. Eh bakit siya ma-oop, andoon naman si Vinn a? Tahimik lang siya sa tabi ko habang kami ay panay pa rin ang chismisan namin sa kabila ng maingay na bading sa harap at kaliwa't-kanang daldalan rin.

"CM!" napalingon ako kay Keane na humahakbang na palapit sakin dahil nandoon din siya sa mga lalaki. "Sama ka?"

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

Inginuso niya ang labas at saka muling tumingin sakin. "Smart C?"

Maluwag na ngiti akong tumingin sa labas at nakitang tapat lang ng school ang 711. Nagpaalam ako sa mga kasama ko at ni hindi manlang nila ako tinignan o nilingon dahil busy sila sa mga kaharutan nila.

"Yeck! You're eww ha, he's not gwapo naman. Malaki lang 'yung muscles." dinig ko pa habang kunot noo akong nakatingin lang sa kanila dahil nga nagpapaalam ako ay hindi ako mga iniitindi!

"Gaga! Pa'no si Hans lang yata ang gwapo sa paningin mo. Mukha namang itlog iyon ng butiki!"

Nagpasya na akong umalis na kami. Pinalabas naman kami dahil may tatak naman 'yung mga braso namin. Agad kaming pumili ng mga kakainin namin. Isang big bite at smart C lang ang kinuha ko. Umupo muna kami at nagkwentuhan. Pinagtawanan niya pa ang malapit ng mapaos kong boses dahil medyo rough at husky na iyon.

Natapos ang halakhak niya, matapos akong magbiro ng kung ano. "Itigil mo. Pa-fall ka e,"

Natatawa akong tumingin sa kanya. "Ano?"

"Masyadong malakas ang sense of humor mo, lalo akong nahuhulog." seryoso niyang sabi ngunit may maliit na ngiti sa mata niya. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at nalaglag iyon sa mga daliri ko. Hindi ko kayang tagalan ang bigat ng titig niya.

"Did I scared you?" doon ako nag-angat ng tingin at nasalubong ko ang mas malalim at mabigat niyang mga titig. "Just tell me if you're scared of what I say to you. I'm sorry, but I can't help but to be straight forward for what I feel."

Kinagat ko ang ibabang labi. "O-ok lang."

"Are you scared?" muli niyang tanong.

Pagak akong tumawa na kahit ako ay gusto kong batukan ang sarili ko sa halatang pag-peke ko niyon. "H-hindi. Bakit naman ako matatakot?"

Ngumisi siya ngunit parang malungkot. "Good..." yumuko siya ngunit agad ding nag-angat ng tingin. "Kasi ako... natatakot na ko."

Ngumiwi ako. "Ha?"

"I'm afraid of falling. A very deep and hard of falling. And the worst is.. it depends on you if you'll catch me or not."

Napalunok ako at agad na nagbaba ng tingin dahil masyado nang malakas ang kabog ng puso ko sa sinasabi niya. Wala akong ideya kung totoo ba o hindi pero sapat na ang mga mata niya para ang mga ito ang magpatunay.

"B-bakit?" tanging usal ko.

"Anong bakit?" nadinig ko pa siyang natawa.

"Bakit ako?"

Tuluyan ko nang marinig ang mumunti niyang tawa, pumikit ako. "Bakit ikaw? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko ang swerte mo kasi gusto kita."

Napa-angat ako ng tingin sa kanya. "Ulol! Wag mo nga akong niloloko. Sinabi sakin ni Shin may kinahuhumalingan ka ngayon, kaya tigilan mo ko! Magsama kayo ni Stanley!"

Lalo siyang tumawa. Kinunot ko ang noo ko. "Huwag ka makikinig du'n. Hindi mapagkakatiwalaan bibig nu'n."

"Mas may tiwala ako sa bibig niya kesa sa bibig mo!"

Hinawakan niya ang ibabang labi. "Bakit hindi mo siya tanungin kung mapagkakatiwalaan mo ba siya o hindi." saka tumawa.

Agad-agad ay umakyat sa mukha ko ang buong pagkaligalig kaya't ipinalo ko sa kanya ang kanina ko pang tinitipid na smart C dahil ayoko agad maubos. "Bwisit ka!"

Tumawa lang siya nang tumawa. Ang harot-harot! Nagpatuloy kami sa kwentuhan habang papalabas sa tindahan. Nagkwento siya tungkol sa kalandian niya nung nasa Europe pa siya, at wala akong ginawa kundi ang barahin at pigilan ang paglaki pa ng lumalaki na niyang ulo. Sa pagpasok naming muli sa loob ng campus ay nakita naming awarding na!

"Hala! Ang tagal na pala natin sa labas!"

"Hindi naman gaano a?" tumingin pa siya sa relo na sigurado naman akong hindi na nakita dahil madilim sa parteng nilalakaran namin.

Nagmamadali kaming pumunta sa mga kasama namin at nakita kong nagtatatalon si Yhen at Shin. Napangiti ako, nanalo sila?

"Ay! Eight pack abs!" bulalas ni Shin ng hawakan ko siya sa balikat. "Ano ba C! Kanina pa namin kayo hinahanap. Saan kayo galing ha?" may mapanukso pang paningin ang gaga.

Umirap ako. "Iyan ang napapala ng mga mahaharot! Nagpapaalam kami kanina ayaw niyo kami intindihin dahil sa mga lalaki diyan! Hanggang ngayon pa rin nagpapantasya kayo!?"

"EEEEE! Kasi naman, C!" umirit pa sila ng umirit sa harap ko. "May picture kami ni Cord!"

"King ina, sino 'yon?"

Umirap siya. "Iyong miyembro ng RedGaze. At para updated ka, sila ang nag-champion. First runner up lang ang Eastrad.." malungkot niyang sabi na ikinabigla ko. "Pero ok lang, may selfie kamiiii!"

"Landi mo." Dinig kong sabi ni Keane at nagsimula na silang mag-asaran.

Napatunganga ako sa stage at doon nakitang nagliligpit na sila. May iilan na ring bumabangga sakin dahil palabas na sila kaya gumilid ako. Pumunta kami sa sulok at doon daw namin hintayin ang mga kaibigan namin. Hindi ko alam pero sobrang nalungkot talaga ako, first time ito. Sila ang laging nagkakampiyon, anong nangyari? Nang mamataan namin ang mga kaibigan namin ay agad kaming lumapit sa kanila.

Ngunit isang pares lang ng mata ang nakapukaw sa atensyon ko. Nag-aalab iyon at sobrang epekto sakin nun! Kinagat ko ang labi at napatalon nalang nang mag-vibrate ang cellphone ko.

Vinn: Nang-aasar ka ba talaga?!

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon