Dream 23

175 6 1
                                    

Did he pleased her?


Mabilis ang pintig ng puso ko. Bawat paghinga ay patuloy na nagpapahirap sakin. Ang mga pawis ay patuloy na tumatagaktak sa mukha at likod ko. Internal rush hits every bit of me. Itinulak ko siya! Medyo napalakas iyon kaya sapat na upang maging malayo siya sa akin. Malambot ang ekspresyon niya nang magtama ang mga paningin namin.

Kinunot ko ang noo, dahil nangigigil ako sa kanya! "Anong bang pinagsasabi mo?! Kanina.. hindi mo ko pinapansin, tapos kung makatingin ka kulang nalang lapitan mo ko at saksakin. Tapos.. ngayon kung ano-ano ang sasabihin mo?!" tinuro ko pa siya.

Nag-tiim muli ang panga niya. Tumitig lang siya at hindi manlang ako makakuha ng salitang joke sa kanya. Seryosong-seryoso. Walang bahid na hindi niya alam ang pinagsasabi niya kanina lang. Humakbang siyang muli kaya't agad akong tumayo.

"Sige! Subukan mo ulit lumapit!" nanggigigil kong sabi habang nakaturo pa sa kanya.

Tumigil siya at yumuko. Huminga ng malalim. "I'm sorry."

Ngumiwi ako at lalong umakyat ang init ng dugo sa ulo ko na sinamahan pa ng kumakalabog at walang tigil na pagbomba ng puso ko. "Pinapatawa mo ba talaga ako? Sorry? Hell, wala akong maintindihan, Joshvinn!"

Nag-angat siya ng tingin at muli ay nagrambol nanaman ang mga lamang-loob ko. "Kapag ba sinabi ko sa'yo, maiintindihan mo?"

"Eh, bakit hindi mo sabihin?! Hindi 'yung kung-

"NAGSESELOS AKO!"

Nalaglag ang panga ko at lalong hindi naintindihan ang mga lumalabas sa bibig niya, tila ba ibang lenggwahe ang ginamit niya upang matulala at ngumanga nalang ako.

Umirap siya nang makitang nakatunganga lang ako sa kanya. "Diba? Hindi mo pa rin naiintindihan. Don't worry, we're on the same page." saka tumalikod ngunit tumigil at marahas na hinawi ang buhok. "But... I'm definitely sure with this."

Naglalakad na siya palayo at sinisipa ang mga batong nakakalat sa daraanan niya. He left me dumbfounded! Pilit na isa-isang isinasaksak sa isip ang mga sinabi niya. Isang beses pa kong lumunok at inisip na sa paglunok na iyon ay madi-dissolve ko lang basta ang mga narinig. Wala sa sariling lumakad muli ako patungo sa gym. May iilan pa kong nabangga ngunit parang hangin lang sakin iyon.

Pagpasok ko sa loob ay saktong nagsitayuan na ang mga kaklase ko at kanya-kanyang binitbit ang mga bag. Sandaling pumikit at inayos ang sarili bago pumasok. Nakita ko ang iilang tingin sakin dahil sa paghila ni Vinn sakin kanina, lalo na ng tropa.

Ngumiti sakin si Asia. "Bag mo."

Inabot ko iyon at ngumiti ng tipid. Sabay-sabay kaming naglakad palabas at hindi ko na pinansin ang usapan ng mga lalaki sa likod ko.

"Ayos ka lang?" gulat kong nilingon si Yhen at napatingin sa brasong kong hawak niya.

"O-oo." ngumiti ako.

Ngumuso siya. "You look, uhm.. pale and red?"

Kunot noong hinawakan ko ang mukha ko. "Uh-baka sa init lang 'yan." tumawa pa ko.

Tumango siya at tumahimik nalang sa gilid ko dahil kinausap siya ni Brit na katabi niya.

"CM. Nasaan 'yung unggoy na humila sa'yo kanina?" dinig kong tanong ni Rick. Lumingon ako at nakitang binatukan siya ni Hans at ayun nagsimula nanaman sila.

Itinuon ko nalang sa daan ang mga mata ko. May isa pa kaming klase kaya papunta kami ngayon sa campus. Maingay ang mga lalaki sa likod at naririnig ko din ang boses nina Brit at Yhen. Lumingon ako sa mga maiingay at ginala ang mata.

Wala siya...

Tahimik lang ako nang makarating kami sa loob ng campus. Marami na rin ang nagkalat na estudyante dahil ang iba ay maagang pinauwi. Pagpasok sa room ay maingay na dahil nandoon na rin ang iba naming kaklase. Sinubukan kong dumaldal ngunit hindi rin nagtagal dahil hindi mapakali ang utak ko. Paulit-ulit na rumaragasa sakin ang mga kalokohang sinabi niya kanina. Oo, KALOKOHAN!

Napatalon nalang ako nang kinalbit ako ni Brit sa likod ko. Nilingon ko siya at masamang tingin ang ipinukol ko ngunit hindi niya iyon makikita dahil sa ibang direksyon siya nakatingin, nakanguso. To our door, to be specific. Tumingin ako doon at kumunot ang noo sa nakikita. So, kaya siya ilang minuto nawala dahil magkasama sila?

But why they're together? Akala ko ba naiinis siya sa mga babaeng lapit ng lapit sa kanya?...

Nakakagat-labing nakangisi si Yanpree kay Vinn na para bang hiyang-hiya sa presensya nito. This girl is an avid suitor of the great Joshvinn Savellano. I think since second year, may gusto na iyan kay Vinn. Well, naging magkaklase kami third year at kaklase din namin si Vinn noon kaya alam ko. Her friend announced to our section that she's one dying hard fan girl of Vinn. At syempre dahil intrimitida 'yung kaibigan ay nagbida-bida at sinabing patay na patay si Yanne kay Vinn.

"She always stalked your accounts to be updated, Vinn."

Muli akong napairap ng maalala ang pagmamayabang nilang dalawa ng kaibigan niya. Habang siya ay kunwaring nahihiya pero itinama niya pa ang sinabi ng kaibigan at sinabing four times a week lang daw niya iyon ginagawa at hindi always. Psh. Inggrata!

"Look! She is so, so, so..! Ugh! I will make sunog talaga her buhok sa ilong e!" tinignan ko si Brit na ngayon ay umuupo na sa tabi ko habang nakatingin pa rin sa labas. Hindi ko alam kung nasaan niya dinala 'yung katabi ko.

Nakita kong lumapit si Stan sa kanila at lalong ngumisi si Yanne. Tumawa si Stan at napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Yanne habang yumuyuko at kagat ang labi. Ang ikinagulat ko ay ang pag-ngiti ni Vinn habang nakapamulsa. Tinulak-tulak pa siya ni Stan. Nanliit ang mga mata ko. What Stan said and he's being like that?!

Lumala pa ang ngiti niya ng marahang itulak ni Stan ang babaeng pulang-pula na papunta sa kanya. Hindi ko marinig ang sinasabi nila at tanging halakhak lang ni Stan at ingay dito sa room ang naririnig ko. Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko.

"My gosh! She's so red! What's their pinag-uusapan kaya? Sissy.." lumingon ako sa kanya. "We should make tawag ang bumbero, she's nag-aapoy na!"

Umirap ako sa kanya at muling ibinaling ang paningin sa labas. Nanlaki ang mata ko ng nakitang naka-akbay siya kay Yanne at nasa harap nila si Stan na hawak ang isang cellphone. Hindi ko makita ang mukha nila dahil ngayon ay tanging si Stan ang malinaw na nakaharap sa direksyon ko.

"It's, Vinn's phone!"

Gulat akong napatingin kay Brit at nakita ko ang nakangiwi niyang mukha. Kinagat niya ang labi at tumingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at tumingin nalang sa malinis naming board. Naramdaman ko ang pagmamaktol niya saka umalis sa tabi ko. Kumunot ang noo ko at hinawakan ang dibdib na panay nanaman ang paghampas. Sa kanya iyon? Did he pleased her to take a picture with him? Kinagat ko ang labi at tinagilid ang ulo.

What's wrong with me?...

Kahit patuloy ang kabog ng dibdib ko ay hindi ko magawang lumingon muli sa kanila. Tila ba hindi ako mapapakali kung hindi pa siya papasok at uupo sa upuan niya. Paglingon ko ay saktong pag-exit ni Stan doon ngunit nanatili si Vinn doon, nakatalikod sakin, nakapamulsa at nakaharap sa babaeng kaharap. Bumuka ang bibig ni Yanne saka muling tumikom ngunit muli ring bumuka at tila hiyang-hiya sa sinabi. Maliit siyang kumaway at mukhang nagpapaalam na. Tumango si Vinn at akmang pipihit na nang marinig ko ang pagtawa ni Yanne sa pangalan niya, malakas iyon kaya dinig ko.

Muling lumingon si Vinn. Nagulat ako ng ilagay ni Yanpree ang kamay sa may tenga at isinenyas ang simbolo ng tatawagan niya o siya ang tatawagan ni Vinn. Napanganga at napangiwi ako, ngunit parang tuluyan ng nalaglag ang panga ko somewhere at lalo na ang puso ko!

His head created a little move but that was a slap to me. He nodded! Nagpatuloy siya sa pagpihit at ni hindi manlang ako nagulat ng magtama ang paningin namin! Blanko ang ekspresyon niya at ganun din ako, sinusundan at pinapakiramdaman ang susunod niyang gagawin. Nakita kong bumaba ang tingin niya... sa mga kamay kong nakapatong sa desk ko.

Napatingin ako doon. Napalunok ako at muling nalaglag ang panga. My hand becomes color white and pink! My fist is balled... really tight!

Starts With A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon