Moving closer
Tila tumigil ang oras para sa akin. Hindi ako makapaniwala sa mga nakita at nasaksihan. Did he really did it? Wala sa sariling muli akong napatingin sa mga stolen shots ko sa buong paligid ng studio. May mga pictures ako doon mula pa ata nung third year ako hanggang ngayon. Hindi manlang ako makagalaw. Nang biglang...
~..When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared, got to make a move..~
Kinagat ko ang labi at napatitig sa mukha niyang maamong-maamo habang nakangiting nakatayo at... kumakanta. Dumadagundong nanaman ang puso ko!
~..While we're young, come away with me
Keep me close and don't let go..~
Napaatras ako ng isa nang makita ko siyang gumalaw at humahakbang palapit sakin. Malawak ang ngiti niya habang patuloy sa pagkanta. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o ano dahil pilit na pilit ang pagkanta niya. Hindi na rin ako mapakali nang ilang hakbang nalang, malapit na siya!
~..Inch by inch, we're moving closer feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment..~
He closed the inch between our distance by one step. But still there's a little-a very little space that's why I can still breathe. I tried to step back but too late for me! Marahan niyang hinila ang laylayan ng damit ko dahilan upang maramdaman ko na ang mga binti niya sa binti ko. He closed his eyes at inilagay niya ang noo niya sa noo ko habang nakahawak pa rin siya sa laylayan ng damit ko at sinabi ang huling mga kataga sa kanta.
~..I'm moving closer to you
I'm moving closer to you..~
Ngayon hindi ko na alam ang gagawin at mararamdaman. Sobrang na-ooverwhelmed na ko sa mga ginagawa at efforts niya. He said he will prove to me that he is serious, kaya ngayon hindi ko na alam! Pinakatitigan ko ang mukha niya. Sobrang tahimik din ng paligid. Telling us to cherish the moment.
"Free to breathe, baby.." bulong niya saka dumilat at ngumisi.
Lumayo ako at doon namula ng bongga. Nang-aasar siya! Psh, bakit naman kasi?!
"Shut up."
Humalakhak siya at tumingin sa likod bago sakin. "So, nagustuhan mo?"
BINABASA MO ANG
Starts With A Dream
Teen Fiction"Memories from the past can hunt you in the future..."